Chapter 49: A tinge of confusion

5.7K 204 173
                                    

~49~
Natigil ang paglalaro ng games sa cellphone ni Hiro nang maramdaman ang pagvibrate niyon. Nagpause din kasi ang nilalaro senyales na may nagpadala ng text message sa kanya. Napilitan siyang itigil na ng tuluyan ang paglalaro upang mabasa ang mensahe.

Bubuwit:
Hoy panget! Patulong
naman ako dito sa tindahan.
Mdami 2. Mbigat pla.

Ngumisi lang ang binata. He expected it. Nagpresinta kasi ito kanina na ito na lamang ang pumunta sa tindahan para bilhin ang pulutan at inumin para mamaya. Ang sinabi lamang nina Mark at Chad ay dalawang bote ng rhum, dalawang litro ng Coke at mga chichirya. Dinagdagan niya ang listahan ng isang case ng softdrinks at dalawang litro ng orange juice.

Muli niyang ipinatong ang telepono sa side table at binaling ang pansin sa aso.

"Bitch," tawag niya na mabilis namang lumapit.

Naisipan niyang ipasyal ang alaga para makalaro naman nito ang beagle ni Mason at makita din ng magkakapatid. Kahit ang mag-asawang Matilda at Charles ay makailang beses ding binanggit ng mga itong idalaw naman niya ang alaga. He was only worried about Mark dahil allergic ito sa aso.

Earlier, they were too shocked to hear na 'Bitch' ang pangalan ng alaga niya. Hindi sa wala siyang maisip, he finds amusement tuwing makikita niya ang reaksyon nang makaririnig na aakalain ng mga itong sila ang tinutukoy. Kahit na hindi niya matawag ng buong pangalan ang aso sa harap ng ina dahil siguradong maghi-histerya ito. So he'd call her 'Bee' sometimes. And thankfully, the dog would still respond.

"Come, Bitch. Fetch." Itinapon niya ang maliit na bola sa kabilang dulo na agad namang hinabol ng aso at dinala pabalik sa kanya.

Nakalimang balik pa ang beagle bago siya nagpasyang tumayo mula sa pagkakasalampak sa couch. Hindi niya pinansin ang pagring ng cellphone dahil alam niyang si Charlie lamang iyon.

"Are you hungry too?" Hiro asked the dog while he was now drinking a glass of water. "Don't worry, nandiyan na maya-maya ang magpapakain sayo," ngisi niya dito.

Nagawa pa niyang magpush-up ng dalawampu bago tinawagan si Charlie.

"Walanghiya ka panget!" agad na salubong ng dalaga sa kabilang linya. "Kanina pa ako nagtetext at tumatawag--"

He feigned a yawn. "I fell asleep. What is it?"

"Hindi mo ba binasa ang text ko? Sabi ko tulungan mo ako! Dali na kanina pa ako dito baka hanapin na nina Kuya ang pinabibili nila."

"Akala ko ba sabi mo kanina kaya mo? Magpi-presinta ng sarili, hindi naman pala kaya," kunwang nakaismid na pakli niya.

Alam niyang may kanya-kanyang ginagawa ngayon ang mga kapatid nito pati ang mag-asawa. They were all setting up the table sa likod ng bahay para doon na magsalo-salo mamaya kaya busy din ang iba sa pagluluto. Or was that Chad and Mason.

"Akala ko konti lang naman ang bibilhin! Malay ko bang may isang case pa ng softdrinks! Huhu." reklamo naman nito.

Natawa na lamang si Hiro sa sinabi nito.

"Dalhin mo na ba sasakyan mo para mabilis kahit malapit lang naman? Hehehe. Promise, masakit din sa kamay 'to ah!"

Hindi na siya nakasagot dahil nakita na niya ang asong ginugulo na ang mga magazines sa mesa sa sala.

"Bitch, no." Saway niya dito at kinandong na lamang.

"DI BA SABI KO HUWAG MONG TATAWAGIN NG GANYAN SI B KASI MASAMA YAN?! NASASAKTAN NGA YAN EH!"

"Hoy, huwag mo akong pinagtataasan ng boses dahil nasa pamama--" mabilis siyang napatigil nang mapagtantong... Wala nga pala siya sa sariling teritoryo. Narinig niya na lamang ang pag-aalaska ng isa sa kabilang linya.

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon