Chapter 6: Hating Siobe

14.6K 201 46
                                    

____________________________________________________

"Dad, anong sinasabi mo na hindi ako makakasama this summer?" tanong ni Hiro sa ama.

Nasa dining room sila ng mansyon kung saan kasalukuyang nanananghalian. Kakatapos lang kasi ng school year at summer na kaya sinundo siya ng mga magulang sa La Union.

Mag-iisang linggo na din siya sa kanilang mansyon. Pasado naman lahat ng grades niya. Naayos na ni Mrs. Jimenez ang marka niya sa English. Namali lang daw ng compute, mabuti naman. Pero hindi pa rin natuwa ang ama niya. Paano, 86% lang daw ang kabuuang average niya at hindi pa siya nakasama sa ranking.

Ikinibit-balikat lang iyon ng binata. Masyado naman talagang mataas ang expectations ng ama niya sa kanya. Kung tutuusin, dapat ay nasa third year pa lang siya sa susunod na pasukan pero dahil advance siya ng isang taon kung kaya't magfo-fourth year na siya. Kung kaya lagi din siyang pinakabata sa klase.

Inaasahan na ni Hiro na sa London sila magbabakasyong ng mga magulang dahil sinundo siya ng mga 'to. Doon kasi siya halos lumaki at nagkaisip. Namimiss na niya ang mga kaibigan niyang banyaga na sa tuwina'y kasa-kasama niyang maghiking, skating at magstroll. Kaya hindi niya alam kung ano ang rason bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin.


"Son, your mother and I need to settle our business in Chicago and Thailand first before flying to London. I'm not sure if you will have an ample time to catch up with your friends there," paliwanag ng ama nito.

"But you promised," nanunumbat na saad ni Hiro sa ama.

"This is far more important hijo kaya sana intindihin mo."

Hindi kumibo ang binatilyo.

Pumasok ang kawaksi at lumapit sa ama niya na tila may ibinulong. Mapapansin ang biglang pagliwanag ng mukha nito sa narinig. Tumango-tango ito bago pinahidan ang bibig at tumayo.

"Excuse me. Adeline, kausapin mo muna ang anak mo," baling nito sa Mommy ni Hiro na bahagya lamang tumango.

"Mom, what was that?"

"May importante lamang na aasikasuhin ang Daddy mo," sagot ng ina niya.

Tinitigan ni Hiro ang ina na tila balewala ang biglang pagtayo ng ama. Isa sa kilalang glamorosang maybahay ang Mommy niya sa business world. Halos tinitingala ito hindi lamang sa angking ganda kundi pati na din sa estilo nitong manamit. Laman ito ng mga tabloids ng fashion world. Sa edad na kuwarenta ay tila mas bata ito ng sampung taon. Hindi halatang sa likod ng magandang mukha at tindig ay tila tauhan lamang kung tratuhin ito ng kanyang kanyang ama. Her mother was a beauty queen during her younger years. Walang alam sa negosyo ang kanyang ina kaya naman sunud-sunuran ito sa ama niya.

"Nawalan na ako ng gana. I'm going to the study. I need to settle things with Dad," binaba ni Hiro ang kubyertos at tumayo para sundan ang ama.

"Hiro! May kausap pa ang Daddy mo bumalik ka dito!" Tila nabahalang sagot ng ina.

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon