Chapter 31: First Kiss

9.2K 140 89
                                    

___________________________________________________

Pasipol-sipol si Hiro habang palabas ng bahay.

Kakatapos lang niyang magtanghalian at papunta siya kina Taki. He couldn't suppress his grin while taking his steps.

I have a hot girlfriend now haha!

Hanggang ngayon ay natatawa pa rin siya kapag naiisip niya ang nangyari. It's been weeks and he can say that he and Ishy are good as friends now. Hindi niya alam kung sineseryoso nga ni Ishy ang ideya na magkasintahan na sila pero sa parte niya, alam niyang sigurado siyang subukan. He's attracted to her anyway. Kung dati ay kinailangan pa niyang hilain si Taki upang samahan siyang magDOTA ay hindi na ngayon. He would bring a flower or chocolates para maibigay kay Ishy.

Hindi pa niya nababanggit kay Taki ang tungkol kay Ishy. Bukod sa inaasikaso din nito ang enrollment kasama ang ina ay halos isang linggo na din silang hindi nagkikita. He tried to offer to accompany him pero ayos lang naman daw. Maybe may ibang bagay pa itong gagawin na kasama ang ina. Inasikaso niya na din ang enrollment niya. His father bought him a condo unit sa tapat lang mismo ng Ateneo University. His mother took care of hiring a professional interior designer para ayusin ang buong lugar ayon sa gusto nito. Pinaubaya niya na din sa ina ang pagkakaayos ng mga kasangkapan. Knowing how obsessive-compulsive of a freak his mom, malamang parang hotel na naman ang itsura ng condo na iyon.

Napangisi siya ng maalala ang ama.

That manipulative old man. Gusto lahat nakaayon sa plano niya, tss. Well this time, I'm sorry. I'm really sorry Dad.

Mabilis niyang winaksi sa isip ang ama at nagpatuloy lang sa paglakad.

He's still beaming nang makarating sa bahay nina Taki na agad siyang inasar nang mapuna ang anyo niya.

"Whoah, whoah! Parang kahit butiki mamamatay sa pagkakatikwas niyang buhok mo ah. Naligo ka ba sa pomada? Hahaha."

Natawa ng pagak si Hiro sa tinuran nito. "Seriously dude? Pomada? Kelan ka pinanganak? 1950s? Gel naman hahaha."

"Lul!" asik lang nito.

"Mas ka. Teka nga, asan na yung pinabili ko?" tanong niya kay Taki habang walang paalam na kumuha ng canned pineapple juice sa ref at chips sa cupboard sa kusina.

"Naks! Parang bahay mo na talaga ah. Penge nga ng panggrocery dyan," sarkastikong puna ni Taki sa kanya.

Hindi ito pinansin ni Hiro. "Sabi ng Mommy mo feel at home lang ako. Hindi ako hinihingan ng panggrocery sa bahay. At sa totoo lang, hindi mo din naman mauubos ang stocks niyo," balewalang sagot ni Hiro sa kaibigan.

"Fine. Andun yung bouquet ng pink tulips sa maliit na timba sa garden. Para kanino ba yun? Wala ka namang girlfriend ah. May nililigawan ka?" kunot-noong tanong ni Taki.

Ngumisi siya ng nakakaloko dito. "Ayeee. Selos yan. Para sayo yun hahahaha."

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon