____________________________________________________
Pinulot ni Hiro ang ID at mabilis na sumakay sa nakaabang na sasakyan.
Dahil nga nagmamadali daw ang kanyang ina ay isa na lamang sa mga bodyguard niya ang nagmaneho ng Sportivo ng binata. Tumawag siya kay Mark at sinabing pinapauwi siya ng Mommy niya kaya hindi na siya nagpakita ng presensiya. Nagpadala din siya ng mensahe kay Louie.
To Louie:
Ano'ng problema?
Nasa labas na siya ng gate ng mansyon nila ng magreply ang dalaga.
From Louie:
Ano nga pangalan ng company ng Daddy mo at saan?
Nagtataka man ay sinagot niya na lamang ang tanong nito.
To Louie:
LK Builders. Ayala.
You're making me nervous. Ano'ng problema Louie?
Pero hindi na siya sinagot nito.
Pagpasok niya sa bahay ay nakita niyang umiiyak ang kanyang ina na nakatayo sa puno ng hagdan habang hawak ang pina-frame niyang painting ni Louie. Hindi niya alam kung paano iyon natuklasan ng kanyang ina. Siguro nakita nito sa mga gamit niya sa silid.
"Mom, ano'ng problema? Ba't mo... iniiyakan ang painting?" Natatawang tanong niya dito.
"Nagkakilala na kayo?" Tanong ni Adeline sa pagitan ng mga luha. "Kailan pa anak?"
"Ha? Nagkakilala nino?" Nagtatakang tingin ang binigay niya sa ina.
Nakita niya kung paano natigilan ito sa sinabi niya. "Hindi mo alam? Si Siobe anak. Si Siobe ng Daddy mo..." Malakas na humagulgol ito habang inaabot sa kanya ang painting.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
Kasabay ng pag-abot niyon ay ang reyalisasyon ng mga binitawang salita ng ina.
"Si Siobe at si Louie ay…"
Ang marahang pagtango nito at malakas na paghagulgol ay sapat na upang makumpirma ang kanyang hinala.
Dahan-dahang tinignan ni Hiro ang painting at pinagkumpara sa malaking portrait sa punong hagdan. Marahil iyon ang kanina pang pinagmamasdan ng kanyang ina.
Ngayon lang niya napagtanto ang pagkakatulad ng mga mata ng batang nasa portrait at ang mga mata ni Louie. Hindi nga maikakaila ang pagkakahawig ng dalawa.
Napahigpit ang hawak niya sa painting at marahas na binalingan ang ina.
BINABASA MO ANG
NYORK
Teen Fiction"How could I ever beat someone as perfect as her? I will never be good enough for my father even if I strive myself to death. Because I am nothing compared to her, his precious memory of his love... His only daughter... Who doesn't even care about h...