Chapter 27: Blueberry Cheese Cake

11.9K 217 134
                                    

_____________________________________________________

Pagkatapos magkamayan ng dalawang binata upang i-seal ang kasunduan ay sabay ding napailing ang mga ‘to at bahagya napangiti.

 

“Kuya.”

Inangat naman ni Mason ang tingin kay Hiro habang hinintay ang sasabihin nito.

“Huwag mo siyang sasaktan,” saad ng binata kay Mason. Nakabalot ang kaseryosohan at pagbabanta sa tinig.

Tumango naman si Mason dito.

“Mabuti kung ganoon. Gusto ko lang makasiguro.”

Napalingon si Hiro sa nakapinid na pinto ng kanyang silid. Kanina pa niya naririnig ang malakas na boses ni Charlie sa labas na tila nakikipag-usap sa mga kapatid nito. Napailing-iling na lamang siya habang tipid na nakipagpalitan ng ngiti kay Mason.

Ang ingay talaga ng bubuwit kahit kelan!

Kasabay ng paglabas ni Mason at pagpasok naman ng dalaga upang masiglang batiin si Hiro ay naiiritang pinutol niya ito.

“HEL—“

“Ospital ‘to. Bawal ang maingay. Kanina ko pa naririnig ‘yung boses mo sa labas.”

Mabilis namang hininaan nito ang boses at muling inulit ang pagbati. “Hello Panget.”

Nakita niyang may bitbit itong maliit na paso at may makulay na origaming rosas na nakalagay doon.

Gumawa siya ng origami? Ows?

 

“Ano ‘yan?” Kunwang hindi alam na tanong niya kahit hindi naman naitago ng nagniningning na mga mata niya ang galak.

“Paper roses. Peace offering, birthday gift, Christmas gift tsaka New Year’s gift ko sa’yo,” nakangiti nitong saad habang nagbibilang. “Bale…”

Tumaas ang kilay ni Hiro habang pinagmamasdan ang dala nito.

Kahit lagi ko siyang inaasar nag-effort pa talaga siyang gumawa ng origami? Nakakagulat talaga minsan ‘tong bubuwit na ‘to.

 

“Hmp! Pangit naman,” kunwa’y saad ni Hiro habang inaabot ang paso at nilagay sa mesang nasa tabi ng kama.

Alam niyang madali lang para sa kanya ang naturang origami pero masyadong mabusisi gawin iyon lalo’t alam niyang hindi naman gumagawa si Charlie ng origami. Pero nungka niyang aaminin sa harap ng dalaga na napabilib siya kahit papaano.

“YABANG MO NAMAN! ALAM KO DI AKO KASING GALING NI KRYSTAL SA PAGGAWA NG ORIGAMI! HINDI MO BA ALAM KUNG GA’NO KAHIRAP GAWIN YAN?!”

Muntik na siyang matawa sa reaksyon nito.

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon