_______________________________________________
“Mom, sige na. Please tell Dad.”
Kasalukuyang kausap ni Hiro ang ina. Kinakamusta nito ang kalagayan ng anak at sinabing baka madelay ang pag-uwi nila ng kanyang ama. Okay lang naman iyon kay Hiro, lagi naman talagang busy ang mga magulang sa negosyo. But he’s bored as hell sa pananatili sa resort kaya nagpaalam siya sa ina na luluwas ng Manila sa makalawa para umatend ng graduation celebration nina Mason at Marcus.
“Kahit kausapin mo pa sina Nanay Martha and Tatay Nilo. They are good people. Nabobore na ako dito sa resort eh. Please naman. Tsaka I wouldn’t feel this way if sinama niyo ako ni Dad. Di sana kahit iniwan niyo na lang ako sa London while you do your business trips.”
Napabuntong-hininga na lamang si Adeline sa kabilang linya. “You don’t know those people anak. Baka kung ano ang mangyari sayo. Alam mo namang marami ng death threats ang Daddy mo. We don’t want to risk your life.”
“Mom, please. Kahit i-pabackground check mo pa sila. Or do you want to talk to them? Please let me talk to Dad na lang.”
Saglit na nag-usap ang mag-asawa sa kabilang linya bago inabot ni Lorenzo ang cellphone at kinausap si Hiro. “Hijo. How did you know these people anyway?”
“Yung sa katabing resort Dad. Sila yung nagbakasyon.”
Matagal na sandali ang naghari bago sumagot ito. “Ano ang pangalan ng pamilya?”
“Pelaez, Dad.”
“Hmm. Bueno, pag-iisipan ko muna iyan. I’ll call back later.”
“Promise Dad ha.”
“I promise.”
Kinagabihan ay tumawag ang Daddy ni Hiro at sinabing pumapayag na itong dumalo sa celebration ng mga Pelaez. Nagkatalo pa ang mag-ina dahil pinipilit nito ang pagdadala ni Hiro ng bodyguards. Mas gusto ni Hiro ang mamuhay ng normal. Kung ano man ang isa sa kinaiinisan niya sa pagiging mayaman ng pamilya niya, iyon ay ang sangkatutak na bodyguards ng kanyang ama. Naiirita siya sa presensiya ng mga ‘to.
Sa huli ay napagpasyahan ng mga magulang niya na uuwi muna ang Mommy niya ng isang araw upang makilala ng personal ang pamilyang Pelaez. Masyado kasing protective si Adeline sa anak at gusto nitong siguraduhin ang kaligtasan nito.
Kasama ang dalawang bodyguards at driver ay maagang sinundo ni Hiro ang ina sa NAIA. Alas otso ng umaga ang dating nito.
“Mom!” Nakangiting salubong nito sa ina bago humalik sa pisngi.
“I miss you anak. Gusto mo ba munang kumain o didiretso na tayo sa mga Pelaez? I wouldn’t be able to stay the night dahil may client meeting pa kami ng Daddy mo mamayang gabi. I have to get back by 7pm.”
“Great. Hindi pa naman ako gutom. Dumiretso na lang tayo sa kanila,” masiglang sagot dito ni Hiro.
BINABASA MO ANG
NYORK
Teen Fiction"How could I ever beat someone as perfect as her? I will never be good enough for my father even if I strive myself to death. Because I am nothing compared to her, his precious memory of his love... His only daughter... Who doesn't even care about h...