Chapter 21: Getting there?

11K 172 49
                                    

___________________________________________________

Mansyon

 

"Hijo, you look happy. How’s school?" Nakangiting tanong ni Adeline kay Hiro ng mapasukan niya ang anak na nagbabasa sa silid nito.

Unang beses na hindi anime manga kundi Reader’s Digest ang hawak.

Humalik naman sa pisngi ng ina ang binata. "Hi Mom. It’s fine. Where’s Dad?"

"I bet it is. Pauwi na din. Nauna lang ako dahil may client meeting pa siya sa Shangrila. Anyway, nakapag-isip ka na ba ng kursong kukunin mo sa college?" Tanong ni Adeline sa anak at tumabi sa pagkakaupo nito sa kama.

"Speaking of, mas gusto ko palang dito mag-aral," sagot ni Hiro sa ina.

Halatang hindi inaasahan ni Adeline ang sinabing iyon ng anak. "And what made you decide?"

"Wala lang. Learning is everywhere. And uhm, hindi naman siguro magpapahuli ang mga schools dito sa atin di ba? I actually enjoy it here na," paliwanag naman niya sa ina.

"Sabagay nakapag-usap na kami ng Daddy mo about diyan. Kasi kapag sa London ka mag-aaral, babalik ka muna ng halos dalawang taon sa highschool, unlike here na college ka na," saad naman ni Adeline.

"See Mom?"

"Well sabi naman ng Daddy mo ay ikaw na bahalang magdesisyon sa gusto mong school. So, gusto mo ba sa Ateneo? They have good curriculum."

Doon kasi grumadweyt ang kanyang ina.

Napalatak si Hiro sa ina. "You’re biased mom. Doon ka grumadweyt eh. Gusto ko actually subukan sa UST."

Ngumiti naman si Adeline sa sinabing iyon ni Hiro. "I just want the best school for you. But if you’ve decided… UST. Doon ba nag-aaral si Charlotte?"

 

Bakit naman napasok si bubuwit?

Napakunot noo si Hiro sa sinabing iyon ng ina. "Yup."

"Kaya ba napili mong mag-aral doon? Masyado ka ng nagiging attached sa pamilyang Pelaez ah," nailing na saad ni Adeline pero nakangiti naman.

Hindi napigilan ni Hiro ang matawa. Hindi niya na lang sinabi na dahil kay Louie kaya doon niya balak mag-aral.

“Mom, what if I passed UPCAT? Will Dad let me—“

“Don’t ever think of it Hiro. Alam mong ayaw ng Daddy mo doon dahil ayaw niyang maging aktibista ka rin,” putol ni Adeline sa binata.

Napabuntong-hininga na lamang si Hiro sa sinabi ng ina.

 

Sabi na nga ba. Hays. UST then. Confirm ko na lang kung doon nga si Louie mag-aaral.

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon