Chapter 42: Annoyed

5.8K 220 152
                                    

~42~

Kanina pa si Hiro nangungunsumi sa kaingayan ni Charlie at sa pagiging epal nito lalo na sa pag-uusap nila Mason at Louie. He knew na hindi man iyon sinasadya ng dalaga ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay naiirita talaga siya sa mga gawi nito. Hinayaan niya muna ang kapatid na mapag-isa kasama si Mason kaya sila lamang nito ang magkasama sa pagbili ng pagkain. Na hindi niya alam kung pagsisisihan ba niya o ano ang presensya nito.

  

"Ang epal talaga," bulong-bulong niya habang pinagmamasdan si Charlie na noo'y abala na sa pagpili ng pagkain.

Ngunit maya-maya lang, hindi na namamalayan ni Hiro ang unti-unting pagsilay ng ngiti dala ng amusement habang pinagmamasdan ito. Parang bata itong tila hindi magkandatuto sa pagpili ng kakaining street foods. Hindi na niya alintana sa sarili na maya't maya siyang napapalingon kay Charlie kahit ang totoong plano niya'y silip-silipin mula sa pwesto ang kapatid at si Mason.

Marahas siyang nagpakawala ng buntong-hininga at naiiling na bumulong-bulong.

"Tss, parang bata. College na eh..."

Kung kanina ay pilit na tinatanaw niya ang kapatid na kasama si Mason, ngayon ay tila nakapako na lamang ang mga mata niya sa maganang pagkain ni Charlie.

What is it with this annoying creature, tss.

Agad niyang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon nang biglang mapalingon ang dalaga sa kanya. Marahil naramdaman nitong tila may nagmamasid dito.

Ngunit ang sumunod na lingon niya ay nahuli na siya nito. Biglang gumapang ang init sa punong tenga ni Hiro kaya dala ng pagkabigla at hiya ay tiningnan niya ang dalaga ng masama. Itinaas naman ni Charlie ang kamay na may hawak na stick ng kikiam bilang pag-ayang kumain. Hindi ito pinansin ng binata at ipinako ang tingin sa ibang direksyon. Naramdaman niya na lang ang paglapit nito sa kanya at nagkunwa pa rin siyang hindi ito napansin.

"Hiro, kakain ka ba? Masarap ang paninda ni Kuya. Ano'ng bibilhin natin na kakainin habang nanonood ng frisbee?"

Hindi siya agad sumagot sa sinabi nito.

"Hoy, nakikinig ka ba?" saad nito sabay ng mahinang pagtapik sa braso niya. "Sino ba kasi iyang—"

"Sa dami ng kinain mo, feeling mo naman may parte ka pa sa kakainin mamaya?" asik niya dito.

"Grabe naman 'to! Nakakapagod kaya ang magcheer kaya dapat lang magrecharge ako!"

"Sino ba nag-utos sayong mag-ala commentator ka dun?"

"Wala," nakangusong sagot nito. "Pero—"

"Wala naman pala eh! 'Di kasi matigil ang nguso kakasalita."

"Ichi-cheer ko lang naman sina bespren ah!"

"Sigawan mo pa 'ko nang pati ang labin limang stick na kinain mo, bayaran mo na rin," pagbabanta niya dito.

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon