Chapter 34: Bored and Addicted

8.5K 174 108
                                    

_____________________________________________________

"Hi Hiro, saan ka pala naghigh school? Sa Ateneo ba?" tanong ng kaklase niyang babae.

The girl talking to him was sitting on his left at nasa bandang gitna ang pwesto nila, halos tapat na rin ng upuan niya ang teacher’s table.

Inikot muna ni Hiro ang tingin sa paligid. Nang makita niyang abala si Charlie sa pagkukukot ng binili niyang isang pack ng Lays ay saglit siyang napanatag. Ito ang nag-iisang subject sa klase nila na hindi sila magkatabi ng dalaga. They were arranged according to their surname and alphabetically.

Kasalukuyang nagbabasa din si Charlie ng Reader's Digest na siya ring nagbigay habang pabalik-balik ang tingin nito sa hawak na pocket English dictionary. Maya’t maya din ang paglamon nito ng Lays habang kunot na kunot ang noon na tila iniintindi ang mga nabasa. Nangingising binalingan niya na ang kaklaseng babae.

"Nope. Sa public school sa La Union," tipid niyang sagot dito.

Napansin niya kung gaano nga ka-friendly si Charlie sa mga kaklase nila. Lalo na sa mga lalaki. Hindi niya rin masisisi ito dahil hindi niya din naman ma-imagine ang dalaga na nakikipagsabayang nagreretouch ng make-up, maya't mayang nagsusuklay ng buhok o kahit ang pasimpleng pagbunot sa bulsa ng compact powder para lang manalamin.

Saglit na napangiwi si Hiro sa nagsulputang scenario sa utak.

Hindi nga yata matatanggap ng sikmura niya sakaling magkilos babae ito.

Hindi din iilang beses na kinailangan pa niyang kaladkarin si Charlie dahil sa katakawan nito. Basta may makitang pagkain o kahit marinig man lang na binubuksang chichirya ay alerto ang pandinig nito na akala mo ay may radar sa pagkain. Agad itong tatayo at walang pakundangang humingi sa may-ari niyon, kasehadong nasa kabilang pangkat pa ito nakaupo. Siya na minsan ang nahihiya sa pinaggagagawa nito.

Pero pag lectures halos maglaway na sa tulog, tss.

Dalawang linggo nang nagsisimula ang klase nila pero parang wala pa rin siyang ganang mag-aral. He decided na isabay na si Charlie sa pagpasok nila sa eskwela, parte nang 'pagbabantay' niya dito kaya dinadaanan niya muna ito mula sa condo niya sa Katipunan.

"Science school ba yan? You're a top student noh?" nakangiting tanong ng kaklase niyang babae na gumising sa diwa ng binata.

Magalang na umiling si Hiro. "Hindi. Regular school lang talaga."

"Ay. Akala ko pa naman. Pero ang talino mo kasi. Lagi kang highest sa mga pretest at quizzes eh," puna nito sa kanya.

Siguro dahil mas gugustuhin ko pang makinig ng boring classes kesa makipagdaldalan... Nais sana niyang isatinig pero pinagpasyahan niyang ngumiti na lamang dito sabay kibit-balikat.

Sa totoo lang ay hindi niya kilala ang kausap. Sa pitong babae at labing syam na lalaking kaklase nila, si Charlie pa lang ang kilala niya sa pangalan at mukha. For obvious reason why.

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon