LTWYL C48 : DISGUISE

264 12 1
                                    

Priya's POV

I saw a 2 van coming from our way. Hindi pa kami gaanong nakakalayo ni Ah-in. Si Ah-in lang ang kasama ko at si Taehyung nman ay nagpaiwan.

"Ah-in, balik tayo! Dalian mooo" I said at minamadali si Ah-in.

Malakas ang kutob ko na ang dalawang van na yon ay kay Mr. J. May labanan na magaganap kaya hindi pwede na wala ako don. Paano na si..ay basta di pwedeng may mamatay.

Binalik naman kaagad ni Ah-in ang sasakyan at sinuot ko ang bulletproof vest ko kung sakali. Kinuha ko ang ilang armas sa ilalim ng upuan. Buti na lang ay handa si Ah-in at Taehyung sa ganitong labanan.

Nakabalik kami sa abandonandong lugar na yon at kitang kita ko na nagsibabaan na ang mga tauhan ni Mr. J lugi kami. Apat lang kami na lalaban. Ang dami nila.

Pero ayos lang mukhang mga gunggong naman kalaban bumaril eh.

Nagsimula na magpaputok ang kalaban kaya naman kita ko na nakipag palitan na ng putok sila Jisoo. Kita ko sila sa malayo  pero di kami napansin ni Ah-in.

Nakipagbarilan na din ako

*BANG!

*BAAANG!

Puro putok ng baril ang maririnig mo.

May mga napatumba na pero kaunti pa. Masyado silang madami, nasa 15 siguro to kung tatanchahin ko.

Lumapit ako kaunti kela Jisoo at napailing na lng sila ng makita kami ni Ah-in na nakikipag barilan na din.

Maya maya ay nahagip ng mata ko si Mr. J, alam kong siya yon dahil sa tindig pa lang.

Kaya naman napagdesisyunan ko na lapitan at huliin siya.

Napatumba na ang nakapaligid sa kanya kaya naman binilisan ko at baka makawala pa.

"Taas kamay!!" sigaw ko at humarap siya.

Nakasuot siya ng mask. Parang timang lang eh makikilala ko naman siya.

"Priya, ako to si Wook!" He said pero ang boses ay iba,I smirked at napailing

"Di mo ko malilinlang! Wag mo ng subukan na linlangin ako kasi sanay na ako. Ngayong wala ka ng kawala, sisiguraduhin ko na dadanak ang dugo mo!" I shouted and kinasa ang baril ko and pull the trigger.

Naka 3 putok ako ng baril sa dibdib lahat tumama.

Bumagsak sya sa sahig at di ko alam kung bakit ko ginawa to. Siguro ay dahil gusto kong bigyang hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko. Pati na ang pagkamatay ng nanay ni Jane na si Lee Ji Eun.

"Lisa!" someone shouted and it's Jane.

"There's Dad! Hindi yan!" She said at tinuro ang lalaking kakasakay lang sa van at paalis na.

No..then who is this.

"Teka dyan ka lang!" Jisoo said at sinama si Jane na habulin ang van gamit ang motor na nakaparada sa gilid

Sumunod naman si Taehyung sa dalawa.

Don't tell me..

Para akong na statwa at sinubukan kong tanggalin ang mask..

And from that moment..I stunned.

Nakaramdam ako ng tubig na tumulo sa pisngi ko.

I'm crying..cause. Mali ang taong nabaril ko and it's my uncle.

Third Person's POV

Flasback~

"Boss, handa na ang lahat." sabi ni Wook kay Mr. J

Love The Way You Lie (Book 2 Of Fix You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon