UBE 46: Forever Autistic

662 21 17
                                    

Dedicated sa kanya kasi natutuwa ako sa comments niya. :33

Pasensorry sa mahabang pag-iintay.

Saka ko nalang irerevise lahat ng chapters after ko matapos ang story na 'to bago ako mamigay ng soft copies. Pasensorry sa mahabang pag-iintay. Hindi na po on-hold ang UBE. Back to regular updates! Weeeeeeeeee~ \(^___^)/

Dahil mahaba yung pag-iintay niyo para dito, mahaba din yung chapter. :3 Thanks again guys! ~(^o^)~

_______________________________________________________

Sir Manny's POV

Maaga akong umalis ng school ngayon para pumunta sa apartment ni Marian.

Dumaan muna ako sa drug store para bilin yung mga gamot niya at dumiretso na. Nag-aalala ako na baka naging pasaway na naman yun sa pag-inom ng gamot niya at ang pagcheck-up sa doctor kaya hanggang ngayon ay di pa rin siya pumapasok.

Maraming araw rin akong nag-absent nun kasi tinutulungan ko si Marian. Mag-isa lang siya sa bahay, at busy sila Nadine at Aniya sa school at hindi makapunta sa apartment.

Kamakailan lang nila nalaman yung tungkol sa sakit ng bestfriend nila. Ang dinahilan nalang ni Nadine sa mga estudyante ay nagbakasyon sa probinsya nila si Marian.

Kaya nung mga araw na yun, binantayan ko siya. Kung tutuusin kulang pa yun... kulang na kulang pa para makabawi ako sa mga nagawa ko...

Anak ng mamon. Yan ka na naman Emmanuel eh. Ang hilig mo sa flashback. -_____-

At yun nga, dahil marami akong kailangan gawin sa school at medyo busy ang month ng August, kailangan ko na talagang pumasok. Kahit labag man sa kalooban ko. =__=

*tok tok

"Nads? Anne?"

Bungad niya habang binubuksan niya ang pintuan.

"A-ah, ikaw pala."

Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko nang makita ko siya. Ang putla na niya at halata mo sa mukha niyang hindi na siya makatulog ng maayos dahil sa sakit niya.

Hindi naman siya ganyan nung huli naming pagkikita ah?

Pakiramdam ko nanghina yung mga tuhod ko.

Hindi ako nagdalawang isip na yakapin siya bigla. Dahil kung hindi, pihadong malalaglag ako sa kinatatayuan ko.

"M-marian..."

Kumalas siya sa pagkakayakap ko sa kanya agad dahilan para makita ko uli siya. Halata sa mga mata niya ang panghihina at panghihirap.

"Hindi ka ba bumili uli ng mga gamot mo? Yung mga payo ko ba sinunod mo? Marian naman, ako ang nahihirapan sa'yo eh."

Patuloy kong pagsasalita habang nilalapag yung mga gamot niya sa lamesa. Ayoko kasing makita siya ng ganun, nasasaktan ako, at pakiramdam ko, hinang-hina ako kapag nakikita ko siyang nagkakaganun.

"Alam mo bang halos mamatay ako sa paga-alala pero wala man lang akong magawa ta-"

"Sino ba kasing nagsabi na mag-alala ka?!"

Nagulat ako sa naging reaksyon niya. Nakatigil lang ako sa posisyon ko, nakatalikod sa kanya. Hindi ako makagalaw dahil sa pagsigaw niya.

"Kaya ko naman ang sarili ko Emman! Hindi na tayo mga bata! Eh ikaw pala nahihirapan eh, tigilan mo na yang pinaggagagawa mo. Emman, namuhay ako ng mag-isa, pero maayos at masaya kahit nung iniwan mo ako. Kayang-kaya kong mabuhay kahit wala ka."

Lumingon na ako sa kanya. Hindi ko inaakalang sasabihin niya yun. Para akong nabato sa kinatatayuan ko.

Ang tanga ko talaga. Dapat lang na magalit siya sa akin, matapos ng lahat ng ginawa ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

U.B.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon