Chapter 8~Unanswered Questions.

1.9K 29 5
                                    

Tammy's POV

Nang umalis sila Ella at si Jhon, ang ingay ng barkada.

"Sino yun??!!"

"Boyfriend? Mahal niya daw si Ella eh."

"Eh, wala namang sinasabi si Ella sa atin ah! Barkada tayo! Taken na pala siya, dapat, sinabi niya sa atin, di ba???"

Parang galit na may halong tampo si Tikoy. Boto kasi yun kay Patrick para kay Ella eh.

Parang kanina lang umamin si Ella na may gusto din siya kay Patrick, tapos ngayon, anoneee? Natanga nalang siya dun bigla. Naoverwhelm sa kapogian ni Jhon. -_____-

Kaasar lang, niyakap niya din kanina si Jhon.  Hay nakooo. -__- Pagbigyan, first puppy love eh.

Tahimik lang ako dun sa tabi. Pinagtinginan ako ng tatlo.

"Tammy, di ba childhood bestfriends kayo ni Ella?" Tanong ni Winston.

Aba, hotseat ako ngayon? =____=

"May alam ka, di ba?!" 'To naman si Tikoy.

Makapag-tanong, wagaaas!

          Sagot naman si Britney."Guys, logic please! Malamang alam ni Tammy yan! Childhood bestfriends nga eh! Baka iniwan nung guy si Ella, bago pa man tayo naging barkada. Kaya parang nanghihingi ng patawad si guy and then hindi natin alam!"

Matalinong bata, Britney!

"EXACTLY!" Sagot ko. Sunud-sunod naman ang tanong ng dalawang lalaki- tumayo pa ang dalawa ha! Aba, with standing effect?

"Eh bakit PANGET?!"

"Oo nga! Magdyowa pala, bakit Panget?"

Sumagot ako. Kalma lang. Whooo! "3 words, guys. Terms. Of. Endearment."

Sabay naman silang tatlong sumagot.

"TERMS OF ENDEARMENT?!"  Pati si Britney nakitayo na din.

"3 words ulit. Kasi. Trip. Nila." Sagot ko. Dapat magsasalita si Tikoy, cut ko ang sentence niya. Nagsalita ulit ako. "2 words. Para. Unique." Tumahimik ang tatlo.

"1 word. Gets?" Nag-upuan na ang tatlo. =__=

(awkward silence)

Finally, Tikoy broke the silence. "Ang tagal naman ni Patrick."

Tumingin kaming lahat sa cashier.

Walang Patrick. Walang tao.

"OOOH NOOO." Baka sinundan niya. Naku po! Malaking gulo 'to. Baka.. baka..

Kinumpleto ni Britney ang thoughts ko.

"BAKA SINUNDAN SILA ELLA!"

"NAMAAAN! Malaking gulo 'to!"'

"Ano? Sundan natin?" Suggest ni Winston.

"Ano pa nga ba?"

Kinakabahan na ako sa maaaring mangyari. :|

Patrick's POV

"Ahh, paki-dala nalang po sa table namin doon. Thanks."

Dali-dali kong sinabi. Nakita ko kasing umalis si Ella pati yung lalaki.

ANO BA MERON DUN SA DALAWANG YUN?!

          Sinundan ko. Nagkakagulo na ang lahat sa table pag-alis nila. Kaya siguro hindi nila nakitang sumunod ako. Ayoko naman sanang sundan sila eh, ayoko kasi alam ko masasaktan lang ako. Pero ewan ko ba, traydor 'tong mga paa ko eh!

U.B.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon