Chapter 26~Just "Duet" ;) (Part 2)

1.1K 17 7
                                    

Stephen's POV

Sobrang gaan sa pakiramdam na maayos na din kami sa wakas ni Siopao. 

Pero hindi magaan sa loob na bantay sarado sa akin ang parents ko.

Paano na yung project namin ni Tammy? Sunday na ngayon. Bukas na ang presentation. At wala pa kaming nagagawang progress sa project.

Stephen.. Isip.. 

Pag gusto may paraan diba?

Tammy's POV 

Monday na bukas. T_____T

Naalala kaya ni Stephen about dun sa project? Gulay naman oh. 

Masyado kasi kaming naoccupy sa mga pangyayari.

Kinuha ko yung phone ko.

Eh naalala ko wala akong load. 

Saklap.

Gumawa muna ako ng mga assignments. Tiwala lang Tammy.

Lalo na akong nagaalala. Hapon na. Di ko alam gagawin ko sa pesteng project na yan. Si Stephen ba? Hindi niya ba naalala about dun? Harujusko! Lord, please give me a sign.

*tok

Ambilis naman ni Lord!

May narinig akong kumatok sa bintana ko. Naku baka naman ibon lang yun at pinaglololoko ko lang sarili ko sa sign-sign na yan. -_-

Binuksan ko yung bintana.

"Aray!"

Ansakit ng pisngi ko! T^T

Hinawakan ko. Nagdudugo na! Paano ba naman kasi may nagbato ng bato sa akin! Tumingin ako sa baba, at handa na akong manggiyera kung sinumang hinayupak ang nagbato nun.

Si Stephen pala!

Tenkyu Lord! Anlakas ko talaga sa inyo! 

Kaso ansakit talaga ng pisngi kooo. T_____T

Stephen's POV

Guess what? Umalis ang parents ko!

Ang saklap!

Kasi pinapunta pa nila si Lana sa bahay! Loooord bakit naman ganito? 

Para akong nakakulong dito! Paano ako makakatakas kay warden?

"Stephen! I'm so glad ininvite ako nila tita and tito dito sa inyo!" 

Marami pa siyang sinabi di ko na pinakinggan. 

Naririndi na ako sa armalite na 'to!

"Warden, pwede bang tumahimik ka muna?! Pupunta muna ako sa kwarto ko." Sabi ko. 

Ayun, nagraratatat na naman yung bunganga niya "Warden?! Hmmm siguro kasi magnanakaw ka at ninakaw ko ang puso mo tapos ipapakulong kita! Hihihi you're so sweet talaga you know?"

Dumiretso na ako ng kwarto at naglock. "Oh.. Okay. Pagod ka siguro. Sige, just call me kung may kailangan ka ha?" Narinig kong sabi niya.

          Sa totoo lang mabait naman talaga 'to si Lana. Pero naiinis talaga ako kasi laging napaka-overly attached, umay na umay na ako sa pagmumukha niya. At naaalala ko yung ginawa niya sa akin noon. Naiinis ako sa kanya. Nakita niya lang na hindi na ako nerd saka ako binalikan?

Nag-iisip na ako ngayon ng paraan para sa project. Kailangan talaga na ngayon na kami magpractice. Kundi patay kami bukas.

May narinig bigla akong nagdoorbell.

U.B.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon