Third-Person POV
Parehas niyong di alam na may feelings na pala kayo sa isa't-isa.
Tapos yung feeling na selos na selos ka na?
Naguguluhan?
Nasasaktan?
Yan ang PenPao ngayon.
Alam mo yung pakiramdam na..
Di ka sigurado sa feelings mo?
In denial pa kasi, pero hindi mo alam...
May feelings din siya sa'yo.
Yan ang EllRick ngayon.
Stephen's POV
Miss ko na siya.
Haay. Kelan ba hindi?
Humikab ako. Saturday na. Katamad.
Wala yung laging nagtetext sa akin na, "Good morning Penpen! :))"
Nakakabagot tuloy dito sa bahay.
Umupo ako sa higaan at chineck yung cellphone ko.
Wow, himala. Walang text galing kay Lana. Buti naman. Ano kayang meron dun? Sana narealize niya na iritang-irita na ako sa kanya. Hmmm. Sana nga.
Tapos ipapa-cancel na yung arranged marriage.
Tapos pwede ko na ulit kaming mag-usap ni Tammy.
Bakit ba kasi ang daming hadlang?
Bigla namang may nag-text.
Si Lana siguro.
Mas lalo ba akong nabadtrip.
Pinatay ko yung cellphone ko, binato sa kama, at bumangon na para mag-toothbrush. Ano bang gagawin ko ngayon? Wala naman parents ko, may business trip. Tch. Puro business. Pwe. Maids lang namin andito sa bahay.
Ano pa ba ang gagawin ko? Edi magbasa ng libro.
Parang yung dati lang.
Kinuha ko yung glasses ko, tapos sinuot. Na-miss ko din 'to ah.
Buti pa yung glasses ko, kapag na-miss ko, pwede ko nalang suotin.
Pero si Tammy? Kahit gustong-gusto ko nang mag-sorry, at gusto ko na siyang kausapin at tawagin uli na 'Siopao', wala eh.
Hindi pwede.
Napabuntong-hininga na lang ako, at binasa ko na yung libro.
Percy Jackson and the Sea of Monsters yung libro. :D
Malapit ko na ding matapos basahin 'to eh. Marami pa akong ibang books, lalo na yung mga tungkol sa Greek Mythology. Mahilig kasi ako dun.
After 30 minutes..
Natapos ko na yung libro.
Napag-isipan kong buksan ang cellphone ko. Malay mo emergency pala yun? Tutal wala din naman akong gagawin.
1 new message.
From: Patrick
Yes! Hindi pala galing kay Lana.
Excited na para sa try-outs ng new members ng Basketball Varsity mamaya. Sa iba diyan, baka gusto niyong sumali. Ngayon na yun, 12pm.
@Tikoy Par sabay na tayo
@Ellaaaaa LALALALALALALALALA XDD
@Tammy Mag-intay lang kase. I'm sure may malupet na explanation siya diyan.
BINABASA MO ANG
U.B.E.
FanfictionSama-samang haharapin ng barkada ang mga problema. Pagkakaibigan, love at growing up. Equals? UBE. Ang Ultimate Barkada Experience!