Chapter 44~Bangag.

710 12 1
                                    

Dictionary; Define, BANGAG.

/adjective/ /ba'-ngag'/

Laging tulala at tahimik, parang laging may iniisip. Minsan mukha nang tanga dahil nagmumukhang zombie na sa sobrang kabangagan. Hindi kasi makatulog at makakain ng maayos dahil masyadong maraming iniisip. Information overload o kaya naman confusion ang kadalasan na dahilan sa kabangagan.

Synonyms: timang, tigang, mukhang tanga, baliw, Ella Dimalanta, Patrick Rivero

Tikoy's POV

"Pat!"

Senyas ko kay Patrick bago ko ipasa ang bola.

Nasalo ni Patrick. Patuloy lang kami sa pagtakbo. Tagaktak na pawis ko. Ramdam na ramdam ko na ang pagod pero, sige lang.

3 seconds..

Pabagal ng pabagal ang takbo ni Patrick.

Tumingin siya sa akin at..

2 seconds..

ANO PANG GINAGAGAWA NIYA DUN? BA'T HINDI PA NIYA I-SHOOT? Nak ng. (-_____-")

1 second..

Pumito na si Coach Louis, tapos na ang game, nagsialisan na ang lahat, pero andun lang si Patrick. Timang. Hawak ang bola.

(a/n: Coach Louis as in Coach 'lu-wi' ang pronunciation. :3 Basketball coach nila.)

Lumapit kami ni Winston sa isang tulala at tigang na Patrick.

"Patrick ano bang meron? -__-"

"Ba't di mo pa shinooooot? =_____="

Ang reply niya?

Wala.

Binato nalang niya ang bola sa court at umalis na papuntang locker room.

Nagkatinginan lang kami ni Winston.

Bro code, mga mehn.

ALAM NA.

Tammy's POV

Thursday ngayon, second day of practice with Coach Aniya.

          Actually, inexpect na namin ang worst. But it turns out, ang saya-saya niyang coach! Para din siyang  si Ms. Ortega, though I think na mas madaldal 'to si Coach Aniya! XD

Kadalasan pag 10 minute water break namin, andami dami na naming napagkukuwentuhan! Si Coach kasi, naku, di nauubusan ng topic!

Kaya sinasamantala na namin this week kasi sa Tuesday and Thursday na practice, wala ang boys.

Hmm. Bakit nga ba?

          Kasi nakausap na ni Coach Aniya si Sir Louis, at may agreement. First and third week ng month, every Tuesday at Thursday, basketball ang ipa-priority ng boys. Pag second and fourth week of the month naman, Volleyball practices ang kailangan nilang puntahan. So, halimbawa, volleyball ang pupuntahan nilang practices kasi fourth week na ng August, every Saturday nalang sila aattend ng basketball practice nila.

Gulo ba? Ha! Kasalanan nila yun. Masyado silang madaming gusto sa buhay. Di marunong makuntento sa isa. >)))

August 15.  Third week ng August, so wala ang boys! |m|

Kaya eto, todo 'girl talk' kami kasama si Coach.

Nung Tuesday ang saya saya namin, okay naman ang lahat.. lalo na't tapos na namin ipresent ang project nung Monday. :"> Hanggang ngayon may hangover pa din ata ako. HAHAHA. XD

U.B.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon