Ella's POV
Ang sigaw ni Britney ang narinig ko, first thing in the morning.
"Riiiise and shine, guys!!"
Dinilat ko ng onti ang mata ko. Woah. Nasilaw ako sa ilaw na nanggagaling sa bintanang nakabukas. Kinuskos ko ang mata ko at sinubsob ang mukha sa unan. Antok pa kasi ako eh.
"Britney naman, ang aga aga pa eh." Sabi ko.
Pero since nagising na din naman ako, umupo na ako sa kama at inayos ang buhok na magulo. Pumalakpak pa si Britney. Ano bang meron? Excited lang? Bumangon na din si Tammy.
"Hindi kailangang sumigaw, you know?"
Sumagot naman si Britney.
"Guys, this is our last day of gala for our summer vacation! Sulitin na! Marami dapat tayong gawin today!" Sabagay, may point siya. Oo nga naman. Kaya nga pumunta kami sa resort eh. Para lubosin ang last day ng summer vacation.
Bukas, may pasok na. Handa na ako for tomorrow, lahat ng mga gamit ko.
Nag-vibrate ang phone ko. May nagtext? Ang aga haa. 7am palang kasi.
From: Patrick
BANGON NAAAA!
Si Patrick? Bihira 'to magtext ah. Himala. Nagtetext din pala ang mokong na 'to. Sayang naman ang effort, nag-reply na din ako.
To: Patrick
Kanina pa kaya kami gising. :P
Naghanda na ako para sa araw na 'to. Sabi kasi ni Britney, pupunta muna kami sa cafe para mag-almusal. "Bes, i-text mo na din sila. Baka gusto nilang sumama."
From: Patrick
Saan tayo ngayon? Ano gusto niyo gawin? :)
Marunong din pala 'to gumamit ng smiley. HAHAHA. Kakapanibago lang.
To: Patrick
May plano kaming pumunta sa cafe para mag-almusal. Sama kayo?
Mas mabilis pa sa alas-kwatro nag-reply!
From: Patrick
Ok. Ready na kami. ^_^
Kapanibago talaga 'to ha. READY na daw sila? Ambilis naman! May kumatok sa room namin. Since busy sila Tammy at Britney sa bathroom, ako nagbukas ng pintuan. Si Patrick? Ambilis naman! Naka-shirt siyang batman, black leather jacket tapos jeans. Naka-wax pa nga ang buhok eh.
"Hi Ella!"
"Oh? Saan ka pupunta? Sino ka-date mo, dre?"
"Ikaw."
Sakto naman, dumating sila Winston at Tikoy sa likod niya. "Oh, ang bilis niyo naman!" Sabi ko. Kagulat naman 'to! Kanina pa ba sila gising?
Patrick's POV
Nagising kaming tatlo ng 5:30AM. Nag-usapan kami. Guess what? Ako na naman po ang nasa hot seat. Tungkol kay Ella ulit. Na-corner na nila ako, kakatanong sa akin kung may gusto ako kay Ella. Para matapos na ang lahat, um-oo nalang ako.
Apir! naman ang dalawa. Tapos inaasar ako. Hindi ko nalang sila pinapansin. Wala na eh, nasabi ko na. Pero, sa totoo lang? Hindi ko pa alam. Oo ba o hindi?
"Eh, paano kung gumala tayo ngayon? Kasama ang tatlo."
Heto na naman po si Tikoy, may bagong pakulo. Wala na, maki-ride na nga lang ako! Pinag-usapan namin ang plano, tapos naghanda.
BINABASA MO ANG
U.B.E.
FanficSama-samang haharapin ng barkada ang mga problema. Pagkakaibigan, love at growing up. Equals? UBE. Ang Ultimate Barkada Experience!