Chapter 15~Si Rian at Emman.

1.5K 23 3
                                    

Ms. Ortega's POV

"Okay, just come back after 2 weeks for the results."

"Thank you po."

          Tumayo na ako sa kinauupuan ko at umalis na. Marahan kong isinara ang pinto. Nang mawala na sa paningin ko ang doktor, may kung anong kaba akong naramdaman. Hindi ko alam kung ano, pero sa tingin ko, may hindi tama.

Pasumpong-sumpong ang mga lagnat ko bago pa man magsimula ang pasok sa school. Madalas ko ding maramdaman ang matinding pagsakit ng ulo ko. Sa tingin ko nga sobrang pagod lang 'to.

Nakasalubong ko papalabas ng ospital ang isang babae, siguro mga 40 pataas na ang edad niya.

Nginitian ko siya. "Ah, miss? Saan ba ang clinic ni Doktora Torralba?" Tanong niya. Sinagot ko naman siya, "Yung clinic po sa tabi x-ray. May nakalagay naman po sa pintuan."

"Ay naku, salamat ha? Sige, mauna na ako."

Tuluyan na akong umalis ng clinic at dumiretso sa school.

          Umaga palang ng 7AM. Maaga akong umalis ng bahay para magpa-check up sa doktora. May ilang tests na ginawa, tapos binigyan niya din ako ng reseta ng gamot. Saka ko nalang yun bibilin pag-uwi ko.

Mabilis ang oras, homeroom na ng umaga. Napaaga ang alis ko ng homeroom sa klase kasi may iintayin pa akong mga estudyante ko sa faculty na magpapasa ng ilang mga requirements.

Lumabas na ako ng room. Nakita kong kakalabas rin ni Manuel sa room niya.

"Rian."

"Oh, Manuel." Nginitian ko siya.

Sabay na din kaming naglakad patungo sa faculty ng high school teachers. Kami palang ang tao, lahat ng teacher ay nasa homeroom pa din.

Umupo kami sa may bench sa labas ng faculty. Mamaya pa kasi ako magtuturo sa first class ko.

"Kamusta ka na?"

Gan'to talaga si Manuel, makapagtanong akala mo ang tagal naming hindi nagkita. Hindi parin talaga siya nagbabago. Kahit noong nasa college pa kami. Noong mga times na "Emman" pa ang tawag sa kanya.

Tumawa ako.

"Okay naman. Syempre alam ko naman ikaw din."

Nginitian niya lang ako.

"Bakit parang.. hindi ka na maaga pumupuntang school ngayong mga araw? Kadalasan naman, isang oras kang maaga para magsulat ng lesson plans sa faculty."

"Ah, dahil parang... gusto ko na ding gawin ang lesson plan sa bahay kesa sa faculty. Alam mo na.. masyadong maingay."

Mukhang hindi naman siya nakumbinsi sa pagsisinungaling ko.

"Gumagawa ka ng lesson plan sa bahay?"

"Oo, ano bang sinabi ko?" Ninenerbyos ako kung tumawa.

"Eh yung folder mo ng papers at references nasa locker mo dito sa faculty? Paano nangyari yun?" Ngayon, siya naman ang tumawa. Hay, mahirap na. Nahuli na ako.

          Mabuti nalang at dumating ang ilan sa mga estudyante ko para ipasa na yung requirements. Hawak-hawak parin ang sandamakmak na folders sa braso ko, dali-dali akong pumunta sa mga estudyante ko.

          Eh kaso, sa kasamaang palad, matapos kong makuha ang mga binigay sa akin ng mga estudyante ko, sabay-sabay na naglaglagan ang mga folders na nakaipit sa kabila kong braso. Naglaglagan at nagsiliparan ang mga papel sa loob. Tinulungan ako agad ni Manuel.

Inayos ko na ang ibang papel habang nakayuko.

Pagtayo ko...

Nakita ko siya, hawak ang papel ng... reseta ng doktora ko.

U.B.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon