Chapter 20~Never Forgotten.

1.4K 19 5
                                    

Kahit na tapos na ang Growing Up, UBE goes on. Charaught. Hahaha.

(a/n: Picture nila Kuya Jason at Tammy on the right side)

_____________________________________________________________________

Tammy's POV

Dalawang linggo na ang nakalipas.

Hindi na kami tulad ng dati.

          Hindi na siya yung Stephen Torralba na una kong nakilala. Malaki at makakapal na glasses, baduy na pananamit. Ang Stephen na pinatawa at pinasaya ako.

Dalawang linggo. Walang pansinan. Ang sakit nun.

Hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko alam kung paano.

Basta ang alam ko, sila na ni Lana.

          Alam mo yung masakit? Ako na nga yung nag-effort na tulungan siya, tapos, ano ngayon? Hindi niya ako papansinin? Na parang hindi niya ako kilala? Ano nang nangyari sa pinagsamahan namin?

At ang mas masaklap, bakit si Lana?! Parang kailan lang halos isumpa na niya yung pangalan ng babaeng yun.

Tapos anong nangyari ngayon? Kinain na niya lahat ng sinabi niya.

          Hindi ako makapaniwala. Pero, kitang-kita na nga oh. Kitang-kita ng dalawa kong mata. Pati mga mata ng iba. Mukhang sila na ulit. Close pa si Lana at ang parents ni Stephen.

Ano yun? Agad-agad?

Nahihilo na ako mag-isip kung ano ang dahilan niya, kung bakit niya ginawa yun.

          Pero kung tutuusin kaya ko namang dedmahin nalang yung ginawa niya. Tutal, hindi pa naman kami ganun katagal bilang magkaibigan. Kung tutuusin napakasaglit na panahon lang yun. Umiyak nalang ako kung isa sa barkada ang ginawa sa akin yan, pero hindi eh.

Bakit ganun? Ang kulit kulit ko. Iniisip at iniisip ko pa din siya.

"Bes? Huy! Mag-huros dili ka! Bes!"

Nagising ako sa katotohanan. Recess na pala. Ako nalang ang nasa classroom.

U.B.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon