SUSPENDED ANG CLASSEEEES~!
Party party tayo XDD
Osha, eto na, nag-update uli ako.
Dedicated kay batmanandbatgirl kasi nagrequest siya. Kayo din, pwede kayong magrequest, ha? Chat niyo lang ako. Di ako nangangain. :3
__________________________________________________________________________
Third Person's POV
Kinabukasan, nakuha na ni Lana ang mga palaka sa pinsan niyang si Andrei.
"Ikaw talagang bata ka! Ang cuute cuuuute mo talaga." Sabi ni Lana habang pinipisil-pisil pa ang pisngi ng pinsan niya.
"Eh Ate Lana, para saan ba yung mga palakang kinuha mo?" Tanong ni Andrei.
"Ikaw bata ka! Andami mong tanong. Basta.. salamat nalang sa mga palaka ha? Good luck sa experiment niyo mamaya sa lab." Nakangiting sabi ni Lana.
"Eh Ate, may karapatan po ako kasi palaka ko kaya yang kinuha mo."
"Ako kaya kumuha ng mga palakang 'to gamit yung net! Ikaw lang naman nagturo kung nasan yung mga palaka. :P" Binelatan pa niya ito ng parang bata.
"Edi sa inyo na po yan. Ano ba kasi gagawin niyo sa palaka? Kawawa naman sila, natatakot na oh. Alam ata na mapupunta sa'yo." Pagbibiro ni Andrei habang nakaturo sa mga palakang nasa garapon na hawak ni Lana.
"Sira kang bata ka! Basta, daming tanong. Gusto mo ibalik ko pa yung mga palaka sa'yo mamaya eh." Sabi ni Lana. Pwede naman niyang ibalik ang mga palaka, dahil ipapalive show niya lang ang mga ito sa harapan ni Troy. Ngayon pa lamang ay matawa-tawa na si Lana sa naiisip niyang resulta ng plano nila ni Mishea.
"Hala, si ate, tumatawa mag-isa! Baliw ka nga talaga. Saka Ate Lana, second year na po ako oh. Hindi na ako bata."
"Eh kasi ang cuuute mo talaga. Basta para sa'kin, bata ka pa din. Osha, Salamat nalang sa pagdala sa mga palakang 'to. Ibabalik ko pa ba sila sa'yo?"
Bakas ang pandidiri sa mukha ni Andrei.
"Wag na uy! Sayong sa'yo na ang mga yan."
Binelatan uli ni Lana si Andrei, at dapat papasok na muli siya sa classroom nila kaso biglang tinawag muli siya ng pinsan niya.
"Nga pala, Ate Lana! Bakit antagal mong nag-absent? Namiss tuloy kita."
"Utut. Gusto mo lang magpalibre ng lunch sakin eh."
"Pano mo nalaman? HAHAHA! Sige babye!"
Pumasok na si Lana sa classroom dala-dala ang paper bag na naglalaman ng garapong may mga palaka. Ang paperbag na magsisilbing alas nila Lana at Mishea para mabawasan ng kahit kaunti ang kayabangan ni Troy.
Stephen's POV
Kahapon pa present si Lana. Nabalitaan ko may chicken pox daw kaya 2 weeks absent. Umupo siya sa usual spot niya dati, hindi dun sa tabi ko kung nasaan nakaupo na si Tammy.
Ano kayang meron?
Kahapon din, di siya nagmimistulang linta di katulad nung dati. At nung nakita niya kami kahapon sa hallways na magkasama ni Tammy...
Binati niya kami ng "Hi Stephen! Hi Tammy!" habang nakangiti, tapos umalis na din.
Napansin ko din, parang bumalik na siya sa dati.
Yung headband niyang kulay blue.. wala na din siyang kung anong make-up sa mukha. Mas simple na siya tingnan ngayon. Nagbago na siya. Mas lumilitaw yung ganda niya. Simple lang.
BINABASA MO ANG
U.B.E.
FanfictionSama-samang haharapin ng barkada ang mga problema. Pagkakaibigan, love at growing up. Equals? UBE. Ang Ultimate Barkada Experience!