Chapter 7~Bring Back the Past

1.9K 22 6
                                    

Ayuun! Eto na, Chapter 7. Medyo maigsi, pagtiyagaan. Major WB. XDD

Recap. May nakitang tao sila Tammy and Ella na pumasok sa shop. Sino nga ba siya?

_________________________________________________________________

Patrick's POV

Onti lang ang tao sa cafe shop. Nag-order na ako. May pumasok na lalaki. Ewan ko lang ha, parang may kakaibang aura nung pumasok siya? Weird. Nag-order nalang ako.

Dapat magsasalita na ako, eh, nagsalita yung lalaki.

"P-panget?"

Nakatingin siya sa barkada.. Una mukhang gulat na gulat yung expression niya. Tapos biglang ang lapad ng ngiti. Napatigil tuloy ako sa pago-order ko.

Kasi... hindi pala yung barkada yung tinitingnan niya. Lalo namang hindi ako. Si.. Ella. PANGET? SI ELLA? ABA! ANG KAPAL NG MUKHA NUN AH!

Magsasalita na sana ako, eh sumagot si Ella sa kanya. "P-panget?"

Ano 'to, Ulitan Portion? =___=

"Uh, sir? Your order?"

          Di ko na pinansin yung babaeng nasa cashier.  Papunta ako sa barkada, yung lalaki kasi pumupunta kay Ella.

ABA? Magkakilala ata sila?  Lalo naman akong nagulat nang...

Niyakap niya si Ella.

Si Ella, parang may kalungkutan yung mata niya. Dapat nga bibitaw na yung lalaki eh.

Niyakap niya pa. Nakpako yung tingin ko sa kanila. Naguguluhan ako. Halo-halong mga tanong ang umiikot sa isipan ko ngayon.

Nakatayo lang ako dun, tulala.

Pumunta na ako sa cashier at nag-order. Ayaw ko nang makita ang mga susunod pang pangyayari. 

Ella's POV

          Si Jhon-Jhon. Andito siya. AY HINDI, WALA! NAKITA NA NGA EH! WALA! PICTURE NIYA LANG YAN! Ako na baliw, binabara ang sarili.

Sino bang hindi mababaliw, pag makita mo si Jhon Bautista.

Ang ex kong naglahong parang bula.

We were the perfect two.

Until nung isang araw.. Naglaho siya. Parang bula. Walang sabi-sabi.

Pero, nung tinawag niya ako, naramdaman ko ang pagkatuwa niya nang makita niya ako. Parang na-miss niya ako? Tss. Asa ka pa, Ella. Iniwan ka na nga eh.

"P-panget?"

          Panget pa din ang tawag niya sa akin, kahit wala na kami. Okay, wala namang official break-up, pero para sa akin,wala na kami. Kasi iniwan niya ako. Edi ako na ang tanga na nakalimutan na siya ang dahilan ng heartaches ko noon. Siya ang dahilan ng pag-iyak ko kada gabi, umaasang babalik pa siya. Ako na ang tanga, para mag-reply..

"P-panget?"

Nakalimutan ko ang ginawa niya, kasi niyakap niya ako. TANGA kasi ako eh.

Ako na ang tanga. Na, yakapin siya ulit. Na-miss ko 'tong panget na 'to eh! Imagine niyo, 3 years?

 Kahit 13 years old palang ako nun.. at napakaagang lumandi.. =___=

Ako naman kasi yung tipong taong mapagmahal.

Para sakin, madali akong magmahal, magtiwala at ma-attach sa isang tao. In other terms, BOBLAKS, BOPOLS, BOGART. Or for short, TANGA. -__-

           Baka nagtataka kayo kasi, "Panget" ang tawagan namin. Terms of endearment namin yun eh, bat ba? Para unique! Ewan ko, pero yun talaga call signs namin. Kasalungat eh, Hindi siya panget eh. In fact, gwapo to si Panget, ah!

"Ella, alam ko ang naging kasalanan ko. Sorry talaga. Alam mo namang mahal na mahal kita eh. Bumalik ako para mag-explain, at bumawi sa'yo."

ABA, MAHAL NA MAHAL? Mahal laang. Pag mahal na mahal, gasolina na yun eh. =__=

Explain? Ano ang dapat i-explain? Para saan pa?

POTCHIII~ Naguguluhan na ako.

"Jhon, let's talk."

Hinawakan ko kamay niya tapos umalis na kami sa shop. Dinala ko siya sa playground sa tapat, kailangan naming mag-usap. Umupo kami sa swing.

"Ella, I know, bigla akong nawala. My parents made a fast decision that I would study in America. Pinaalis nila ako bigla, I didn't even had the chance to tell you. Naaalala mo pa ba, that time, nahulog mo phone ko sa river. Kaya, hindi kita natawagan. I was immediately sent there. Balak pa nga nila, I would study there, hanggang college! Hindi ko talaga kinaya ang mga araw na wala ka. Na hindi kita nakikita. Ang sakit sakit nun. Alam ko, sa part mo, triple ang sakit na nadama mo. Kaya, pinilit ko sila na umuwi agad ako dito. Sorry na, Ella. Mahal na mahal kita. Wag ka nang umiyak, please? Andito na ako oh." 

Edi siya na nag-speech! Oo, umiiyak talaga ako ng sobra. Sobra-sobra ko kasi siyang na-miss. Naintindihan ko na ang lahat. Pinatawad na siya agad ng puso ko.

Pinatawad na siya ng puso kong tanga. -__-

"Na-miss kita, alam mo yun? Ha?"

Nilahad niya ang dalawa niyang palad sa harap ko. Eto ang nakasanayan namin. Kapag masama ang loob ko, papaluin ko siya ng papaluin sa palad, hangga't mailabas ko ang lahat.

*PAK!

*PAK!

*PAK!

*PAK!

Naawa ako sa mga palad niyang napakapula na. Hindi siya umangal.

"Pinapatawad na kita. Alam mo namang hindi ko matitiis ang isang panget na tulad mo!"

Nagtawanan nalang kami.

Noong mga oras na yun, ang saya-saya ko. Walang ibang nagpapasaya sa akin, kundi siya lang.

"Wag mo na akong iiwan ha."

"Oo. Mahal kita, Ella. Mahal na mahal."

Niyakap niya ulit ako.

May nakita akong parang gumalaw sa may pader, sa tapat ng playground.

Alam ko kung sino yun.

____________________________________________________________________

Short chapter. :/

Ayun, hulaan niyo kung sino ang nakita ni Ella na "shadow" sa may pader.

Pag nahulaan mo, idededicate ko sa'yo ang next chapter. :3

Next Update: Maybe after New Year.

Sorry, no spoiler this time. HAHAHA!

Cliffhanger muna. >:DD

Comment. Like. Vote. Become a fan! \m/ 

U.B.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon