Chapter 35~BLACKMAIL. >:|

889 11 3
                                    

At dahil field trip na namin bukas..

Mag-uupdate ako ng bongga! :DDD

SALAMAT talaga sa mga sumusuporta sa UBE. Mga walang sawang nagvovote at nagcocomment.. Lovelove ko kayooo~! <3

Silent readers, pwede po mag-ingay. Para malaman ko po kung ano nang dapat gawin ko dito sa story ko. I need your comments, feedbacks, violent reactions and suggestions.

Starting from this chapter, I'll dedicate the following chapters sa mga fans ko, oki? <3

_______________________________________________________________________

Ella's POV

Okaaay. Di ko alam kung anong gagawin ko. =___=

Aalis nalang siguro ako. Gulong-gulo na ako eh.

Tuluyan na akong umalis sa football field. Eh, ano pa bang gagawin ko dun?

"Ikaw na nga nakasakit ikaw pa hindi namamansin?"

Ang lungkot lungkot ng boses niya. Tss. Pake ko? Dun siya sa "bestfriend" kuno niya.

"Quits lang tayo." Sinabi ko habang naglalakad papalayo.

Nagulat naman ako nang bigla siyang sumigaw.

"Natitiis mo ba talaga ako ha?! Ano nga bang meron tayo? Ay oo nga pala! WALA!"

Ang sakit. Sinigawan ba naman ako? Oo alam ko nagkamali ako sa pagsigaw ko siya noon- pero, SIGE, Ipamukha niya pa. Konsenysang-konsensya na ako eh kaso ano madadatnan ko sa clinic? 

 Hep.. HINDI AKO NAGSESELOS! Nakakainis lang kasi handa na akong mag major major "I'm sorry" sa kanya, tapos, yun ang madadatnan ko? Eh basta nakakayamot! >___<

Humarap ako sa kanya at ginantihan ko siya ng sigaw.

"EH NAGREREACT KA KASI AGAD DI MO PA NGA ALAM ANG BUONG NANGYARI!"

Patrick's POV

"EH NAGREREACT KA KASI AGAD DI MO PA NGA ALAM ANG BUONG NANGYARI!" 

 Nagulat ako nang sumigaw si Ella ng pagkalakas-lakas.

Bigla siyang lumapit at niyugyog ang balikat ko.

"PWEDENG MAKINIG KA MUNA HA?! PAGKATAPOS NITO DI NA KITA GUGULUHIN!"

Napalunok nalang ako at nakinig sa kanya.

"HALIKA NGA!"

Parang bata niya akong hinila papunta hanggang canteen.

"UPO."

Sumunod naman ako sa kanya. Ngayon ko lang nakita yung ganitong side ni Ella. May lahing amazona din pala 'tong isang 'to. @___@

Ella's POV

At yun na nga, kinuwento ko na sa kanya kung anong nangyari..

Curious kayo kung ano ba talaga nangyari ng gabing yun?

HAHA WAG NA. AYOKO NGA. :P

De, joke lang. Eto na nga kasi nangyari..

Flashback mode, Ella's POV

"E-ella.. Alam ko magulo ang lahat nung huli tayong nagkita, hayaan mo akong mag-explain please."

Naglakad lakad lang kami hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan walang masyadong tao. Mahirap na, mukhang sikat 'tong mokong na 'to, ma-issue pa ko. =__=

"Makikinig ako."

"Ella, E-engaged na ako. Yung babaeng biglang dumating nung araw na yun, siya ang f-fiancee ko. Pero sa maniwala ka sa hindi, hindi ko talaga yun mahal- Napilitan lang ako. Family friend siya, at simula ng dumating kaming Amerika, siya ang naging kaibigan ko. Naging importante siya sa akin. Pero walang araw sa Amerika na hindi kita naisip. Hindi nawala ang pagmamahal ko sa'yo Ella. Hanggang ngayon. Pero kahit gaano kasakit man sa akin, kailangan ko siyang panindigan."

U.B.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon