Ella's POV
Hindi na rin naman siguro ako kukulitin ng barkada matapos ng one-word reply ko kay Tammy. Kahit na minsan eh mga mapangtrip at mga isip-bata yang mga yan, magkakaibigan kami at marunong rin naman silang makaintindi.
Umupo ako sa sand at doon naghimutok.
Kapag mga ganitong times kasi, alam nilang gusto kong mapag-isa. Delikado kasi akong kausap kapag nasa ganitong mood ako.
Nakita kong papalapit na sa akin si Tikoy.
"Ella, anong nangyari?"
Wrong move.
"Nangyari? Anong nangyari? Sa lakas ng boses namin hindi mo pa rin alam kung anong nangyari?"
Nag-pout si Tikoy. Kung good mood ako ngayon malamang humalagpak na ako sa katatawa. Hindi kasi bagay sa kanya, mukha siyang timang.
"Sige, ano nga bang nangyari? Ay, oo. Naaalala ko na! Ang baiiiiiit bait kasi ni Patrick, talagang nagu-good vibes ako kapag andiyan siya. Tulad nung kanina, nasigawan ko siya sa sobrang saya ko. Siya rin, natuwa sa akin kaya sinigawan niya rin ako. Ang cute di ba?"
"A-ah ang cute nga. H-he-he."
Napakamot na lang siya sa ulo niya at tumungo sa pool. Hindi pa siya nakakalayo nang...
*PLOK
Lumingon siya at nagkunwari akong nakatingin sa malayo.
Mukhang di niya naman masyadong pinansin kaya naman...
*PLOK
*PLOK
This time, mabilis na siyang nakalingon. I was caught red-handed, oh well. Binigyan ko na lang siya ng napakatamis kong evil smile.
Biglang sumama yung tingin niya sa'kin.
Ang angas niya tingnan, kahit andaming sand ang nakadikit sa katawan niya. Hahaha.
He looks familiar.
Eeh?
Ugh. Ba't ko na lang bigla-bigla naiisip yung unggoy na yun? Kasi naman eh, ever since nung una kaming nagmeet nung bata pa lang kami, ganun na ganun din yung mukha niya, parang yung facial reaction ni Tikoy ngayon.
Ay, kadiri, ba't ba bigla bigla ko yun naiisip? -_______-
"Tikoy, please? Ngayon lang. :33"
Ganun pa rin yung expression niya. Kaya naman mas ginanahan akong magbato pa ng napakaraming bola ng sand sa kanya.
*PLOK PLOK
*PLOK
*PLOK
*PLOK PLOK
*PLOK PLOK*
*PLOK*
"OH ANO? TAPOS KA NA? HA?!"
Ang lakas ng pagkakasigaw ni Tikoy kaya naman napatingin yung tatlo.
And then again, parang hindi si Tikoy ang nakikita ko. Para akong naghahallucinate at...
...si Patrick ang nakikita ko.
Nagswimming na palayo si Tikoy sa pool. Si bes naman parang nag-aalangan pa rin na puntahan ako. Tiningnan ko lang siya na parang sinasabi kong, "pwede-ka-nang-pumunta-dito-kailangan-kitang-kausapin".
Na-gets naman niya yun at pinuntahan na ako matapos niya kunin yung towel niya.
"So... what was that all about?"

BINABASA MO ANG
U.B.E.
أدب الهواةSama-samang haharapin ng barkada ang mga problema. Pagkakaibigan, love at growing up. Equals? UBE. Ang Ultimate Barkada Experience!