Cassie's POV
Inintay ko ang text niya kaso wala.
Baka nasa shop na.
Oo, nasa shop na nga siya.
Dapat di na ako pumunta.
Nasaktan lang ako ng sobra.
(a/n: Remember sa chapter 26, nagpromise si Tikoy kay Cassie thru text na pupunta sila ng FroYo shop para makabawi sa hindi pagreply niya? Well, eto yun. Nakalimutan ni Tikoy na may usapan pala sila dahil kay Mich.)
Nandito ako sa may likod ng puno, nagtatago. Pinapanood sila Tikoy at yung babaeng seatmate niya. Sabi niya babawi daw siya. Pero, yun pala, gusto niya lang ipamukha sa akin na dapat wag na akong umasa.
Di ko alam kung bakit pinapanood ko pa sila e. Kahit na nasasaktan na talaga ako. Dapat tumakbo na ako papalayo eh. Kaso hindi. Masokista ata ako.
Nakita ko silang nagtatawanan, ang saya saya nila. Bagay nga sila e. Ang cute nila tingnan. Parang mga bata. Oo, bagay na bagay sila.
T
Anong gusto niyang ipamukha? Parang sumampal ang katotohanan sa mukha ko.
"AAAHH. A-RAAY!"
"Nikko! Nikko, anong nangyayari sa'yo?!"
"M-mich.."
Anong nangyayari kay Tikoy? Nakahawak siya sa ulo niya. Para bang.. ang sakit sakit ng ulo niya. Bakit ganun? Ano? Tatayo lang ba ako dito habang panooring mahimatay siya?
SIYEMPRE HINDI!
Mukhang di alam ng babae gagawin niya eh! Tss. Hina ng utak niya. -__-
Kumaripas ako ng takbo patungo sa kanila. Muntikan ng malaglag si Tikoy sa semento. Buti nasalo ko. At para bang magkakilala kami nung babae, kinausap ko siya at inutusan.
"Kaibigan ako ni Tikoy. Tumawag ka ng ambulansya. Dali!"
Nakatulala siyang nagdial sa cellphone at tumawag for emergency. Mabilis naman ang pagresponde ng ambulansya dahil malapit lang ang ospital dito sa park.
Tikoy, ano bang nangyayari sa'yo?
Michelle's POV
Ang alam ko.. masaya kaming nagtatawanan.
Biglang sumakit ang ulo ni Nikko, at nung pabagsak na siya sa lapag habang tulala ako sa mga nangyayari, may sumalo sa kanyang magandang babae.
Hindi maabsorb mabuti ng utak ko ang mga pangyayari.
"Kaibigan ako ni Tikoy. Tumawag ka ng ambulansya. Dali!"
Sumunod naman ako sa kanya dahil hindi ko alam ang gagawin. Nanginginig pa din ako hanggang ngayon.
Nakaupo ako sa may upuan sa tabi ng emergency room. Nasa kabilang bench naman yung babae. Andami kong gustong itanong pero walang lumalabas sa bibig ko. Nahihilo na talaga ako kanina pa. Ambilis bilis ng mga pangyayari. Nasusuka ako.
Dali dali akong tumakbo patungo sa restroom at sumuka.
Ang sakit-sakit ng ulo ko. Sumandal ako sa pader at umupo sa sahig habang hawak hawak ng madiin ang ulo ko.
Ano bang nangyayari?
Kumikirot ang ulo ko... Ang sakit...
Narinig kong may pumasok ng restroom.
Ramdam kong papalapit siya sa akin.
"Miss, okay ka lang?'
O___O
BINABASA MO ANG
U.B.E.
FanficSama-samang haharapin ng barkada ang mga problema. Pagkakaibigan, love at growing up. Equals? UBE. Ang Ultimate Barkada Experience!