Third Person's POV
Palaging hindi sinasagot ni Stephen ang mga tawag at text ni Tammy. Kinuha kasi ang cellphone ni Stephen ng parents niya. Alalang-alala si Tammy. Nagtatampo na din ito.
Monday morning. Na-meet ni Stephen si Tammy sa corridor. Iniwasan niya ito ng tingin.
"PenPen! Huy!"
Sinabayan ni Tammy si Stephen sa paglalakad. Sa kasamaang palad, na-meet din nila si Lana sa hallway. Dali-daling tumungo si Stephen sa men's CR. Binigyan ni Lana si Tammy ng isang nakakapang-asar na look.
At sa mas kasamaan pang palad, andun din ang parents ni Stephen sa hallway na yun. Tumitingin sa bulletin board. Nagbayad kasi sila ng tuition ng anak nila, monthly kasi ang payment nila.
Lumabas na si Stephen sa CR, nakita niya din ang parents niya.
Ginawan ng advantage ni Lana ang sitwasyon na yun.
(COMMERCIAL: I Met Him On Facebook by Andiebabe9. Pakibasa po ha? Later on, ico-connect ko ang story niya sa U.B.E. So read it ha? SALAMAT~! :)))
"Hey, Stephen!"
Kaya naman napalingon ang parents ni Stephen. Wala ng magawa si Stephen.
"L-l-lana."
"Hatid mo ko sa classroom?"
"Ah.. sure!"
"Thanks! Oh, hi tita! Hi tito!"
Sinadya ni Lana na kausapin ang parents ni Stephen para makita ni Tammy na close na talaga sila ni Stephen at ng parents nito. Balak niyang inisin si Tammy.
"Oh, Lana, iha! Buti naman at ihahatid ka ni Stephen sa classroom."
"Yup! Anyway, thanks for the dinner last night, tita!"
"Sa uulitin, balik ka uli ha? Oh, siya, Stephen, hatid mo na si Lana."
"Okay. Bye, ma."
Naiwan si Tammy sa corridor, walang kaalam-alam sa mga pangyayari.
Tammy's POV
Ang gulo ni Stephen! ANG HIRAP ISPELENGIN! =___="
BAKIT?
Bakit? Nagbalikan na ba sila ni Lana? Mukhang pinakilala pa ni Stephen si Lana sa parents niya!
ANO YUN?
BAKIT, STEPHEN? Anong ginawa mo sa akin at ganito ang nararamdaman ko sa'yo, ha? Bakit ikaw pa? At bakit ngayon pa? Kasalanan ko 'to eh.
Dahil sa revenge-revenge na yun kay Lana..
Imbes na inisin si Lana..
Ang nangyari.. Mukhang bumalik sa akin ang lahat ng yun. Nag-backfire ang lahat.
Kasi nasasaktan na talaga ako.
Hindi. Hindi ako pwedeng umiyak.
Ang dami kayang tao dito!
Pumasok ako sa girl's CR, sa cubicle sa dulo at doon nagi-iyak. Wala na namang tao sa loob eh, time na. Bahala na. Cutting ba tawag dito? I don't care.
Kasi all I know is..
Nasasaktan at naguguluhan talaga ako.
Humagulgol ako ng iyak.
Sa sobrang iyak, at sipon sa ilong ko, hindi na ako makahinga.
Ang tanga ko.
Nakalimutan kong may hika nga pala ako, noh?
![](https://img.wattpad.com/cover/820912-288-k496697.jpg)
BINABASA MO ANG
U.B.E.
FanfictionSama-samang haharapin ng barkada ang mga problema. Pagkakaibigan, love at growing up. Equals? UBE. Ang Ultimate Barkada Experience!