Chapter 45~Answered Questions.

663 12 1
                                    

After 38728632984 years, nakapag-UD na din! 

Sorry to keep you waiting, guys. One year na 'tong UBE di ko pa din tapos. XD Salamat sa mga patuloy na nagbabasa at sumusuporta. Mahal ko kayo. <3

Dedicated kay Bea kasi siya yung laging nangungulit sa'kin na mag-update na ako. :3

Happy Reading. :D

_________________________________________________________

Ella's POV

"IMBYERNA KA ELLA! BAKIT NGAYON MO LANG SA'MIN SINABI! GRABE GIRL, DI MO KAMI INA-UPDATE!"

"Nakoo bes! May usapan pala kayo nung Jhon na yun noon, di mo kami sinabihan! Naki-epal lang yang lalaking yan sa'tin, natututo ka nang maglihim!"

>________<

Eh sa sobrang dami naman kasi ng schoolwork that time, nakalimutan kong ishare sa kanila! Sorry naman di ba? T^T

"Okay fine, sorry! Nakalimutan ko talaga! Pero pramis di ko balak ilihim yun!"

Paano ba naman kasi, nakalimutan ko sa kanilang ikwento... Nagselos pa nga nung nalamang buti pa daw si Patrick, sinabihan ko!

"Oo na sige na! Sige na! Oh ano na, bes, tuloy na ang kwento, dali! Full details ha?"

Lumapit pa silang dalawa lalo sa akin. At hayun.. nakaupo kami at nakabilog sa lapag ng court.. kinuwento ko na ang lahat. Ang usapan namin ni Jhon sa park.. nung mismong gabi na nakita muli namin siya ni Patrick na kumakanta sa banda..

(a/n: At alam kong ayaw na ayaw niyong maghalungkat pa sa chapters para magbackread at marecall kung ano nangyari nung gabing yun. Kaya ilalagay ko na din dito.)

Flashback mode, Ella's POV

"E-ella.. Alam ko magulo ang lahat nung huli tayong nagkita, hayaan mo akong mag-explain please."

Naglakad lakad lang kami hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan walang masyadong tao. Mahirap na, mukhang sikat 'tong mokong na 'to, ma-issue pa ko. =__=

"Makikinig ako."

"Ella, E-engaged na ako. Yung babaeng biglang dumating nung araw na yun, siya ang f-fiancee ko. Pero sa maniwala ka sa hindi, hindi ko siya mahal- Napilitan lang ako. Family friend siya, at simula ng dumating kaming Amerika, siya ang naging kaibigan ko. Naging importante siya sa akin. Pero kahit gaano kasakit man sa akin, kailangan ko siyang panindigan."

OH. MY. Don't tell me... may anak na agad siya sa fiancee niya?! O___O

"One night ang laki talaga ng problema niya. Niloko siya ng boyfriend niya. Niyaya niya akong uminom. Kahit ayaw ko man, mapilit talaga siya at kailangan ko din siyang bantayan.

Nag-order lang ako ng iced tea, pero hindi ko alam na maling baso pala yung nainom ko. Nagising nalang ako sa isang hotel. May damit pa naman ako nung nagising ako, pero nagulat nalang ako matapos ang isang buwan, sinabi sa akin ni Bianca na buntis daw siya at.. ako daw ang ama.

Pero hindi ako naniniwala dun. Kasi kahit na lasing ako nun, alam ko kung ano ang nangyayari sa akin. Siguradong sigurado ako na hindi akin yun. Gagawin ko ang lahat, mapatunayan lang na hindi nagsasabi ng totoo si Bianca.

Uurong ako sa kasal. Ikaw lang Ella.. at hindi nagbago yun. Bigyan mo pa ako ng isa pang chance, Ella. Alam kong mahirap nang magbigay muli ng tiwala.. Matapos ng lahat nang nagawa ko sa'yo. Pero, kahit ngayon lang, please.."

Hindi ako makapagsalita.

Tototoo ba 'tong naririnig ko?

Baka mamaya masaktan nanaman ako sa kanya.

U.B.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon