Chapter 29~His Voice

995 13 1
                                    

Britney's POV

(a/n: recap lang po. Nasa table na sila Britney and Troy. Uulitin ko lang yung scene ha? Baka po kasi nakalimutan niyo na. Katamad magback read di ba? Hahaha. XD)

"One Vanilla shake please, 16 oz. for Britney."

"Thank you Ma'am, just wait for your order there."

          Makakapagpalamig na din ng ulo. Di talaga ako maka-get over dun sa lalaking yun! Yung Troy kanina. -___- Ang magandang Sunday ko sinisira! Hindi siya kaya ng taray powers ko kasi mas mataray siya. \_(-__-)_/

Ewan ko, kahit nilibre niya ako sa mga binili ko, kumukulo ang dugo ko sa kanya! To think na may utang na loob pa akong kailangan bayaran. O di ba, ang saya?

          Mababayaran ko yun pag pinagbutihan ko yung pagkanta sa project. Keribels yun ng powers ko noh? Anong akala niya? Puchu puchu lang akong babae na walang kayang gawin? Palibhasa mayabang.

Porket gwapo, mayaman at matalino. Sus. Mayabang naman. Ang panget ng ugali niya. Bakit ba ang malas ko at siya pa ang nakapair ko?

"One Vanilla Shake for Britney!"

          Kinuha ko na yung inorder ko at sa kamalas-malasan ko talaga hanggang dito sinusundan ako ng malas. Parehas pa kaming naupuan ng table. Syempre inaway ko siya, pero di keri ng taray powers ko talaga.

Saka puno na din yung shop. No choice. Argh.

Okay, aalis na lang ako dito. Kesa makasama ko pa 'tong mayabang na 'to!

“Op. San ka pupunta?”

“Papasok uli ako sa shop. Papasok uli. Malamang lalabas di ba? Let go of me!”

Hawakan ba naman ang ever precious hand ko para pigilan ako? Para ano? Ipagmayabang na malambot ang kamay niya porket mayaman siya?

“So wala ka talagang pake sa project ha?”

Masyado siyang malakas at nagawa niya akong pabalikin sa upuan ko.

Tiningnan niya ako sa mata.

*Gulp.

Troy’s POV

Stalker ko ata ‘tong babaeng ‘to eh? Hanggang sa DQ shop sinusundan ako. Kunyari taray-tarayan pero may gusto din sa’kin ‘to eh. Pero sorry nalang siya, di ko siya papatulan. Asa. Hahahaha.

At para patunayan ko sa inyo ang theory ko sinadya kong titigan siya sa mata at pigilan umalis.

“So wala ka talagang pake sa project ha?”

Napabalik ko siya sa upuan niya at tinitigan ko siya sa mata.

“Don’t worry, marunong ako kumanta at project ko din yun, so, I care.”

Di ko siya sinagot at tinitigan ko lang siya sa mata.

“Oh? Anong ginagawa mo? Na-stroke ka? Yuck. Di bagay sa’yo. Now if you would let me, aalis na ako.”

No. Hindi ako pwedeng matalo.

Mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kanya at tinitigan siya ng nakakaloko.

“What? Ano ‘to, staring contest? Ako pa hinamon mo ah?”

Naka-raise lang eyebrows niya sa akin..

And I can’t help but laugh.

Yung itsura niya kasi eh. HAHAHAHA!

Okay, fine. I lose. Hindi nga siya katulad ng ibang babae na maghhyperventilate agad kahit titigan ko palang siya. Siguro commited to sa iba. Sayang. Masaya pa naman siguro 'tong pagtripan.

U.B.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon