Chapter 22~Unexpected Arrival.

1.2K 17 0
                                    

Ella's POV

          Matapos ko maghanda para umalis, tinawagan ko na si bes, tapos umalis na. OTW na ako sa bahay nila Tammy, habang naka-iPod. Wala lang. Soundtrip. XD Hindi pa ako nakakalayo nang nakita ko si Patrick.

Hindi lang pala si Patrick.

Oh si Patrick nga ba talaga yun?

May kayakap siyang babae.

Maganda yung babae.

Tapos, tumigil na sila sa kaka-PDA. -___-

Tapos, nagusap sila, Wala na akong pakielam kung anong pinagsasabi nila. None of my business. HAHAHAHA.

Teka, bakit ko pa ba pinapansin yun? Oh ano naman kung may kayakap si Patrick?

Sige, oo na. Inaamin ko. Medyo nagselos ako. Pero bakit naman? Ano bang karapatan ko? So pag kinantahan ako, may karapatan na akong magselos? @___@

Achuchuchu. -___-

          Nakakagulat lang kasi dapat pag may love life or kakilala ang isa sa barkada, alam ng lahat. Eh sa hindi ko naman kilala kung sino yung girl.

Sino ba yung babae?

Aish. Nevermind.

Dinaanan ko lang sila. Okay, kunyari wala akong nakita. Hahaha.

Gora lang sa bahay ni Tammy.

"Ella!"

Kunyari di ko narinig.

          Hala. Hinahabol pa ako. Binilisan ko nalang yung lakad ko, up to the point na tumatakbo na ako. Eh kaso, wala. Basketball Varsity Team Captain ang tinatakbuhan ko. Sige na, ako na mabagal. Dahan-dahan akong humarap sa kanya.

Nakahawak kasi siya sa balikat ko. -___-

"Bakit mo ko tinatakbuhan?"

"H-huh? Oh, andyan ka na pala. Papunta na ako kela Tammy."

Sabi ko habang tinatanggal yung isang earphone na nakalagay sa tenga ko.

Okay. Nakikita ko na ang future. Ako ang winner ng best actress award. Pang FAMAS ang palusot at acting eh. Hahaha.

"Tinatawag kita tapos bigla kang tumakbo."

"Ay sorry. Nakaearphones eh. Jogging lang papunta sa kanila."

Weh jogging daw? Hahaha.

"Samahan ka namin?"

Hindi wag na, diyan ka nalang sa chicks mo. Isasama mo pa eh. -_____-

"Namin" daw kasi. Ibig sabihin kasama yung girl? Eh di ko nga kilala kung sino yun eh.

"Okay, bahala ka."

Hinayaan ko na din. 

Psh. Bahala na.

Patrick's POV

"Patpat?"

Teka..

Isa lang ang tumatawag sa akin nun ah.

"Mishea?!"

Mishea Santos? Siya na ba 'to? O____O

Ay hindi, hindi. Hologram lang yan. Mawawala din yan mamaya.

-________-

Eh sa nagtatanong kayo kung , "SINONG MISHEA BAAA?!"

          Sabihin natin na bestfriend ko yan. Nakilala ko siya noong  Grade 1 pa kami. Eh kaso nung naging highschool na nagkalabuan. Di kasi kami magkaparehas ng school. Tapos, dun ko naman nakilala yung barkada.

U.B.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon