Tikoy's POV
Hulaan niyo kung nasaan ako ngayon. :3
HAHAHA. Ansaya lang eh.
Nasa sidewalk on the way sa bahay nila Mich.
Habang sumisipol, habang nagsa-soundtrip, habang naglalakad.. May nagtext. Hmm. Sino kaya?
From: Cassie<3
Bui. Di na nagpaparamdam ah? :( Nigagawa natin? :))))
Hala. Ngayon ko lang ulit naalala. Si Cassie nga pala.
Dati, gustong-gusto ko siya katext. Walang araw na di ko siya nakakatext. Pag di siya nagrereply nababaliw ako. Araw-araw siya lang nasa isip ko. Tapos ngayon.. Ano bang nangyayari sa akin? Pakiramdam ko unti-unti na akong nahuhulog kay Mich.
Unti-unti ko nang pinapaikot mundo ko kay Mich..
Hindi na kay Cassie.
Pero si Cassie, mahalagang tao yan sa buhay ko.
AISH ANG GULO DRE. -____-
Di ko alam kung bakit. Basta ang iba ang pakiramdam ko kapag kausap ko siya. Kapag kasama ko siya. Para bang ang saya-saya ko? Di ko pa 'to nararamdaman sa buhay ko.
Ang gulo talaga.
"Nikkooo! Psst! HUY!"
Hala. Nakalagpas na pala ako sa bahay nila. Grabe. Lalim kasi ng iniisip e. -__-
Nilapitan ko na siya.
"Nakalagpas na pala ako. Haha."
"Okay lang. Ngayon ka pa lang naman pumunta dito eh."
Yung ngiting yun. Yung ngiti ni Mich. Nakaka inlababo, dre.
Pinapasok na niya ako sa bahay nila. Tapos tinawag na niya parents niya. Grabe, nakakakaba. Magpa-practice lang naman kami, pero, ewan ko ba. Parang may nararamdaman akong kakaiba.
Lumabas na yung parents niya.
"Nikko?"
Ha? Alam nila pangalan ko?
Hmm. Malamang. Magisip ka nga, Tikoy. Syempre pinaalam ni Mich muna.
"Ma, kilala mo siya? Di ko pa sinasabi pangalan niya ah."
Parehas nung parents niya parang gulat na gulat. Ano bang meron sa akin?
Bigla namang nagbago ang expression ng parents ni Mich.
"Ah, iho. Your lace. So, *ehem You're Nikko?"
Oh. May lace pala ako na pinaglalagyan ng phone ko. May pangalan ko. ANTA lang sorry. XD
(a/n: ANTA means ANTANGA XDD)
Nandun kami sa sala magpapractice. Yung parents naman niya nasa kwarto nila.
Umupo na siya sa sofa. Ako, wala. Sa lapag lang. XD
"Ah, uso umupo sa tamang upuan? Sa sofa?"
Natatawa talaga ako sa mga hirit nitong si Mich. Kahit hindi naman talaga nakakatawa. Napailing na lang ako at ngumiti.
"Mas okay na dito. Mas nakikita kita."
Dapat kasi pag duet, nakatingin kayo sa mata ng isa't-isa. Dagdag audience impact yun ah. Yun lang yung sa opinyon ko. Saka ang awkward kung magtitinginan kami parehas kami sa sofa, kailangan sideview yung isa.
"Ha? So kailangan yun?"
"Yes, mam. Kailangan po yun." Sagot ko habang ginulo yung buhok niya. :D
BINABASA MO ANG
U.B.E.
FanfictionSama-samang haharapin ng barkada ang mga problema. Pagkakaibigan, love at growing up. Equals? UBE. Ang Ultimate Barkada Experience!