UBE 2: Plano ni Tikoy

2.6K 35 6
                                    

Tammy's POV

         Nang makapasok na kami sa hotel, parang feeling ko mali na sumakay ako sa plano ni Tikoy. Parang gusto kong bumalik dun sa van, kasi alam ko namang hindi rin magtatagumpay ang plano niya.

Like, duh? Kung iniwan namin dun ang dalawa sa van, just imagine ang scene kapag gumising na sila!

Baka imbes na magkasundo sila para hanapin kami, magkagulo lang lalo ang dalawa! Naiimagine ko na..

"Naku, Tikoy. Nag-aalangan talaga ako. Baka magka-World War III ng wala sa oras."

Sabi ko habang nasa elevator kami, papanik sa rooms namin. Nakuha na kasi nila Britney yung mga susi.

"Malay mo di ba? Oras na siguro para magkasundo na yung dalawa!"

Napabuntong-hiniga na lamang ako. Bumukas na yung pintuan ng elevator at lumabas na kami.

Makalabas pa kaya ang dalawa sa van ng buhay? \(-_-)/

Winston's POV

Ina-unload na namin yung mga gamit sa van nang biglang...

Kinuha ni Britney mga gamit niya, pati yung bag niya na hawak ko. Galit ata.

Naku po. Nag-walk out ba naman? Kinuha ko backpack ko tapos sinundan ko siya.

"Britney ko, wag ka nang magalit.."

Pagsusuyo ko sa kanya. Kinuha ko na din yung bag niya, kasi hirap na hirap na siya sa dami ng dala niya.

Binigay niya naman sa akin. Papunta na siya sa hotel, so sumunod nalang ako. Walang kibuan. Hindi niya ako kinakausap. Eh kasalan ko bang nakakatawa talaga siya pag naasar? T__T

Napagdesisyunan kong mauna na kami ni Britney. Doon rin naman sila didiretso. Sanay na kami dito sa resort nila Patrick, kilala na kami ng mga staff dito.

"Oh, Ms. Britney!" Bati ng nasa may counter na babae. Close sila eh. -__-

"Hi po! As usual, same rooms po ha?" Sabi naman ni Britney. Tinulungan na kami ng isang lalaking staff magbuhat. Binigay na sa amin yung mga susi.

          Two rooms lang naman kami, isang room sa babae, isang room sa lalaki. Ang isang room, malaki na din para sa tatlo. Pumasok na ako sa room ng boys, si Britney naman sa girls. Hindi man lang ako kinikibo nung nagtanong ako kung gutom ba siya.

Hay nakooo. (__ ___")

Tammy's POV

          Ang sweet talaga nitong lovebirds na katabi ko. Sila Patrick at Ella, magkasandal sa isa't-isa, natutulog. Hindi ko gingising si bes. Naku, baka magkagulo ang dalawa kapag nalaman nilang ganun posisyon nila.

          Finally, natapos na rin ang boys at si Mang Gerry na ibaba ang mga gamit. Andami kasing dinala ni Britney, dun sila nahirapan. Nakita ko sa window, nage-LQ ang dalawa.

Gigisingin ko na sana yung dalawa nang..

Binuksan ni Tikoy yung pinto ng van, tapos bumulong.

"Tammy?" Aba, bulungan ang trip namin. Bulong din naman ako.

"Tikoy?" 

"Huwag mo na silang gisingin. Iwan natin sila dito, pasok na tayo sa hotel." Nakangisi pang bulong ni Tikoy.

"Eh bakit naman?"

"Isipin mo na lang 'to ah, kapag nalaman nila na wala na tayo at silang dalawa na lang, magkakaisa sila at magkakasundo para mahanap tayo! Baka sakaling magkaayos na rin sila di ba?

U.B.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon