UBE 3: Bestfriend Instinct

2.5K 36 5
                                        

Third Person POV

          Sa utos ni Patrick, hinarang ng mga guards sa resort ang barkada nang makita nila ang mga ito papunta sa isa sa mga swimming pool, mukhang excited na excited magswimming habang wala sila Ella at Patrick.

"Sige ho, salamat. Pwede na kayong umalis."

Utos ni Patrick sa guard.

May ilang segundong titigan ang barkada, nang magsalita si Tikoy.

"Uyy, Hi Ella, Patrick." 

Tiningnan siya ng masama ni Ella. Huminga muna ito ng malalim bago magsalita.

"Guys, bakit niyo kami iniwan sa van?"

"Sorry na, bes. Ikaw kasi, Tikoy eh!"

Agad na pagsagot ni Tammy, alalang-alala sa kung anuman ang nangyari kela Ella nung iniwan nila ito sa van.

Sabi ko na nga ba World War III 'to eh.

Binigyan nalang siya ni Tikoy ng isang death glare.

"Aba, Tammy, pumayag ka naman sa plano ko eh!" Defensive na sagot ni Tikoy, na hindi magkandaugaga sa mga salbabida, tuwalya at bags na dala niya.

"Okay, guuuys. Chill. Ella, sorry na. I know na napaka-childish nung ginawa namin. And yes, lahat 'to set-up ni Tikoy. Ang akala kasi namin, na baka sa ganung paraan magkasundo na kayo kapag nagkaisa kayong hanapin kami. Yun ang sabi ni Tikoy." Pagpapaliwanag ni Britney.

"Kami? Magkasundo?" Sabi ni Patrick habang tinuturo ang sarili at nakatingin kay Ella.

"Kadiri lang." Sabay pa nilang sabi.

Matawa-tawa ang barkada sa reaction ng dalawa. Mukhang surrender na sila sa inaakala nilang pagkakasundo nila Patrick at Ella. Wala na talaga silang pag-asa tumigil sa bangayan nila.

"Fine. Tapos na yun eh. Wag na nga lang natin pag-usapan. Tara na, ang init init na dito oh!"

Paanyaya ni Ella, na mukhang irita na sa init ng panahon. Nakalukot na ang mukha nito at namumula na rin ang balat nito sa sobrang init.

"Oo nga, tingnan niyo si Ella, lalong nangingitim sa init oh. Kawawa naman."

Nakangising pang-aasar ni Patrick. Sinamaan nalang siya ni Ella ng tingin habang nakataas ang fist nito sa ere na nakatapat sa kanya.

"Isa pa talaga, Patrick. Wag mo kong subukan."

"Ding ding ding ding! Okay time-out, tara na guuuuys swimming na tayo!"

Awat ni Winston sa dalawa.

(a/n: Yung 'ding ding ding ding' imagine-in niyo nalang yung bell na natunog kapag natapos na ang isang round sa laban ni Pacquiao. Pulubi sa sound effects eh. XD)

Tammy's POV

          Kung hindi lang inawat ni Winston yung dalawa, baka may wrestling match nang naganap kanina. Hay ewan ko ba talaga sa dalawang yun! Parang laging may pinag-aawayan, di lang talaga namin makita ang dahilan kung bakit ganun ang galit nila sa isa't-isa.

Okay, surrender na talaga kami. Walang ibang pwedeng makapagkakasundo sa kanilang dalawa kundi ang mga sarili nila.

Dumiretso na kami sa pool sa bandang gitna, yung favorite ko na Wave Pool. :33

 Eto yung pool na talagang pinagmamalaki ng resort nila Patrick kasi mukha talaga siyang beach, hindi lang basta pool.

          Sooooobrang lawak niya, tapos may artificial sand pa, at tuwing 9:00-9:30 am, 2:00-2:30 pm at 6:00-7:00pm, umaalon yung tubig na parang talaga nasa dagat ka.

U.B.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon