Chapter 16~Future Wife?!

1.5K 20 1
                                    

Third Person's POV

Monday morning.

It's been a week since noong pagbabago ni Stephen.

And isang linggo na ding dinudumog si Stephen ng mga babae.

OO, AS IN. DINUDUMOG.

"Eh ang kapal naman ata ng mukha ng mga haliparot na yun!"

"Lalo na yung bruhang Lana na yun! Nakuu! Matapos insultuhin, lokohin, paglaruan si Stephen! Oh ano sila ngayon? Nagkakandarapa? Chararat!"

Magkasama sila Britney, Tammy at Ella maglakad papasok ng campus.

Sila Tikoy, Winston at Patrick, basketball varsity meeting.

Si Stephen?

Ayun. Pinagkakaguluhan ng mga babae.

Stephen's POV

"KYAAAAH! STEPHEEEN! I LOVE YOUU!"

"AKIN KA NA LAAANG!"

"Ang gwapo mo naman Stephen!"

Nakakarindi. -_______-

Parang dati dina-daan daanan niyo lang ako, minsan inaasar pa. Tapos ngayon?

People can sometimes be so mean.

"Back off, girls. He's mine."

Dapat hahawakan ako ni Lana.. Aish. Parang linta! Iniwas ko ang braso ko sa kanya.

Nakita ko sila Tammy naglalakad.

Tumakbo ako. Bahala na kung banggain ko 'tong mga babaeng 'to.

"TAMMY!"

Tumigil siya. Tapos lumingon.

"Oh, Stephen."

"Hi Stephen!" Bati nila Ella at Britney. Close na din ako sa barkada nila Tammy. Sa higit pa sa isang buwan na nakalipas, kasama ko sila.

Nginitian ko sila.

"Sama ako sa inyo, pleeeaaase." Syempre sasamahan ko pa ng pacute kong ngiti. Hahaha. Hindi bagay, whoo. Hindi din ako sanay. Pero, bahala na. Malayuan ko lang yung mga babaeng yun.

"Sure!"

"Oh, gora na tayo!"

          Si Tammy naman, hindi umiimik. Hay nakooo. Bakit ba ganito mga babae? Oh baka si Tammy lang talaga yung ganun. Bipolar eh. Last week, ang bait bait sa akin.

Pero ngayon, ang sungit naman. :|

Naglakad na kami. Kinakalabit ko si Tammy.

"Psst. Siopao. Uyyy.. Siopaooo." Hindi pa din ako pinapansin. :((

Tutal parang mga stalker pa ding sumusunod yung mga babae sa likod namin, kaya may naisip akong plano. Hinarap ko yung mga babae. Syempre tumigil din ang tatlo.

"Aaah.. pwede bang tigilan niyo na ko."

Lumapit sa akin si Lana. "Stephen.. alam ko namang nagbago ka para sa akin, right? Hindi mo pa din ako nakakalimutan, huh? Hey, girls. Alam niyo ba na.. naging kami ni Stephen noon?"

"REALLY?"

"OH MY GOD!"

"DAPAT TAYO DIN STEPHEN!"

"KYAAAHHH!"

Parang dati kinamumuhian niya ako dahil naging ex niya ako. Tapos ngayon pinagmamalaki na niya? Ibang klase ang sama ng ugali nito. -___-

U.B.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon