Chapter 30~A Gloomy, Gloomy Day.

1K 13 1
                                    

Yehey pasukan na namin. -______-"

Kaya pagpasensyahan niyo na napakaemotional at napakagulo ng chapter na 'to. -_-"

_____________________________________________________________________________

Iya Marie's POV

(Third Person's POV 'to, ginawa kong Iya Marie's POV. Aba, bigyan niyo naman ako ng moment dito! XDD)

Monday morning.

Hindi magkasama sila Patrick at Ella pumuntang school.

Si Cassie heartbroken padin at nagsisisi sa ginawa niya.

Sila Britney at Winston di nagpapansinan. Lahat naman sila eh.

Habang sila Tikoy at Mich parang mga love birds.

Sila Stephen at Tammy din, nagdidiwang kasi absent si Lana.

Ang tofu diba? -____-

 Ano, patuloy pa din ang dalawang sweet couples sa pagpi-PBB Teens?

Anong gagawin nila diyan?

Ano? Pektusan niyo na sila?

Isang gloomy Monday morning sa barkada. @___@

Tammy's POV

This should be the happiest day of my life.

Ayos na ang lahat sa amin ni Stephen.

I also have a good feeling na maganda ang kalalabasan ng project namin ngayon. Pero wala, ang gloomy ng barkada ngayon. Pati si bes. :|

Flashback mode

BAKIT PA KASI AKO PUMIKIT NANG LUMAPIT SIYA SA AKIN. >////////<

Baka akala niya assuming ako na hahalikan niya ako ha?

>//////<

N-nadala lang ako..

S-saka nakakaduling siyang tingnan eh ang lapit lapit na niya sa akin.

He was smirking when I opened my eyes at nalaman kong pinunasan niya lang pala yung dugo sa pisngi ko. Wrong timing kasi e, kung kelan ko binuksan yung bintana saka nahagis na yung pangalawang bato. Ngayon ko lang naramdaman.

Ang hapdi ng sugat ko. TT~TT

Baka masira ang fes ko dito.

HAHAHA. Sensya na OA lang pero ang sakit talaga eh. :((

Kinulong ko ulit si Simsimi, yung cute na cute naming bulldog. Habang papasok kami sa bahay hawak na hawak sa likod ko si Stephen. Feeling ko baka nga mapunit yung damit ko eh. >.<

Grabe, takot talaga siya sa aso!

Nakakatawa padin isipin kasi hindi sa kanya bagay. Ang gay. HAHAHA! Saka ang cute cute kaya ni Simsimi kinakatakutan niya?

Bumitaw na siya sa damit ko nang tuluyan ko nang masara yung pintuan.

Most of the time malungkot ang bahay namin.

Kundi lang dahil kay Simsimi na sobrang active at kulit, baka namatay na ako sa sobrang katahimikan dito.  :|

          Only child kasi ako, si Ddy, (pronounced as "dhie") nasa Riyadh, nagtatrabaho. Si Mmy (pronounced as "mhie") naman busy magasikaso ng business namin, maliit na clothing shop lang. Minsan nakakatulong ako dun, aba, kung si Britney, fashionista..

Ako din, di papatalo! XDD

Pinagtimpla ko ng juice si Stephen at naghanda ng meryenda, habang siya naghahagilap ng First-Aid Kit.

U.B.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon