Ella's POV
Alam ko na curious kayo kung kamusta na ba kami ni Patrick. -__- HAHAHA. Syempre, alam niyo naman na nagkaaminan na kami noong nasa resort kami. Eh pano ngayon? Ano na nga ba ang nangyari?
Wala naman. Bestfriends pa din kami. At mabuti yun, kasi ayoko nung nagkaaminan lang, tapos may ilangan na. Ganun pa din kami, asaran, inisan, kulitan..
Naging routine namin minsan na hatid-sundo niya ako sa school gamit yung motor niya.
Siya lang ang nag-iisang highschool student na nagra-ride ng motorcycle papunta at pauwi sa school. Tapos kasama ko pa siya. Ang heartthrob ng school. Pwe. XD
Yes, heartthrob siya dito sa school. Ever since first year high. Sikat siya. Team captain kasi ng basketball varsity.
Kaya ayun, medyo mas marami na ang nakakakilala sa akin ngayon, lalo na yung mga fangirls niya sa school. May time nga na napagtsitsismisan na kami na daw eh.
Angkas lang sa motor niya, kami na agad? Hindi ba pwedeng friends muna? XD
Kung sabagay, ngayon lang naman kasi nangyari 'to, na nakamotor si Patrick papuntang school, tapos angkas pa ko. Dati kasi, pala-commute lang yun eh.
Payag naman ang parents namin na mag-motor na lang, tutal we are "growing individuals" na naman daw. Just as so mag-iingat lang daw kami. May lisensya din si Patrick, kaso ang nakalagay dun, 18 na siya.
Nagtatrabaho kasi ang kaibigan ng dad niya sa processing ng driver's license dito sa Pinas.
Odiba, kinasabwat para lang legal na makapagdrive si Patrick!
Astig nung parents niya eh. XD
Kaya na rin siguro sila pumayag dahil hindi na ako male-late sa school. Hahaha.
Todo level-up ako eh. Dati, naka-bike lang ako, or jeep papunta at pauwi ng school. Ngayon? Motor na! Ansaveh ng lola mo? XD
Pero kahit minsan na medyo nagiging mahangin ang mokong, may pakinabang din yun. Kahit palagi niya pa akong inaasar.
Tinuturuan niya ako sa lectures namin sa Math. Dun kasi ang weakness ko eh. Dahil sa kanya, palaging mataas ang scores ko sa tests. Ako naman, tinuturuan ko siya sa English at Literature. Dahil sa akin, tumaas ang mga scores niya.
Kaya, parang sa Symbiotic Relationship sa Science, kumbaga, 'mutualism'.
We both benefit from each other.
Hindi katulad noon, predation o kaya competition. Minsan nga, parasitism eh.
BINABASA MO ANG
U.B.E.
FanfictionSama-samang haharapin ng barkada ang mga problema. Pagkakaibigan, love at growing up. Equals? UBE. Ang Ultimate Barkada Experience!