Patrick's POV
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Bakit ba ako kinakabahan?
Eh kung tutuusin magbibigay lang naman ako ng flowers sa Ella na yun! -___-
Nagflashback ang mga sinabi sa akin ni Ms. Ortega.
Napaisip ako bigla.
Naaalala ko pa noong mga bata kami nung siniraan ko si Ella sa crush niya sa subdivision. Noon pa man din, ayokong may ibang nang-aasar o umaaligid diyan kay Ella.
Gusto ko, kami lang ng kuya ko at si Tammy ang kalaro niya.
Masaya din ako kapag kasama ko siya.
Di kumpleto ang araw ko kapag di ko siya naaasar o nakukulit.
Mahalaga siyang tao para sa akin.
Pero natatakot ako na baka masira ang pagkakaibigan namin.
Natatakot at kinakabahan ako kasi mukhang tama ang hinala ni Ms. Ortega.
Kumatok na ako at hinintay ang pagbukas ng pinto.
Ella's POV
Ready na din ako! Hinihintay na lang namin ni bes si Britney. Ang bagal eh! Sa dami ng dinala niya, hindi siya makapili? Si Britney nga naman oh. :D
Si Tammy nag-CR, Sinamahan si Britney sa loob, nagpapatulong pumili ng outfit. Nang... may kumatok sa pinto. Aba! Atat 'tong mga lalaking 'to!
Binuksan ko ang pintuan.
Andun, si Patrick. May hawak na..
yellow tulips.
O.o Ang ganda ng flowers! Inlove na ako sa flowers, pramis! Teka, para saan yun?
"Ella, para sa'yo." Nagulat ako. O.O
Si Patpating Payatot Patrick Rivero? Binibigyan ako ng napakagandang yellow tulips? Ano yun? Peace offering? HAHAHA! Nginitian ko nalang siya kasi nakakatawa e. Napaka-unusual.
"Oh. Salamat!"
Kinuha ko yung flowers. Grabe, ang gandaaa! :3
BINABASA MO ANG
U.B.E.
FanfictionSama-samang haharapin ng barkada ang mga problema. Pagkakaibigan, love at growing up. Equals? UBE. Ang Ultimate Barkada Experience!