Third-Person POV
"Guys, three days nalang." Sabi ni Tikoy habang patuloy na naglalakad kasama ang barkada sa mall.
Three days nalang kasi ay magsisimula na muli ang pasukan. Excited man sila pumasok muli sa school bilang mga third year highschool students, mukhang bitin pa rin silang lahat sa kanilang summer vacation.
"I know, right?" Pag-agree ni Britney.
"Alam niyo, kailangan na nating lubosin ang vacation natin." Sabi naman nitong si Tammy, habang pagala-gala pa ang mga mata niya sa mga stores na kanilang nadadaanan. May balak pa atang magshopping uli.
Kung si Britney ang fashionista ng barkada, si Tammy naman ang shopaholic. Hilig niya kasi ang mga damit.
"Paano?" Tanong ni Ella, sabay bulong sa kanyang bestfriend na si Tammy. Napansin niya ata ang pagala-gala na mata nito sa mga shops.
"Bes, tama na please. Maawa ka na sa mga paa ko, kanina pa ka nagsshopping, pasalamat ka at sinamahan kita. Hmp. Sana nalang talaga sumama nalang ako sa barkada kanina sa arcade."
Nag-pout na lang si Tammy at binelatan ang bestfriend niya na parang bata.
"K. Pasalamat ka mahal kita bes."
"Konek?
"Ba't ang sama mo sa'kin?" Naka-pout pa rin si Tammy, at si Tikoy naman, naki-epal na sa conversation nilang dalawa.
"Hayaan mo na Tammy, nalungkot lang yan kasi mas prefer niya ang makasama si Patrick sa arcade kesa magshopping."
Sinamaan nalang siya ng tingin ni Ella habang tumatawa naman ang barkada.
Well, except kay Patrick na mukhang kanina pa spaced out, may iniisip ata, at walang kaalam-alam na pinag-uusapan na ng barkada silang dalawa ni Ella.
Ilang minuto na ring tahimik ang barkada habang naglilibot sa mall nang biglang nagsalita si Patrick.
"Gala tayo?"
"Duh? Eh ano 'tong ginagawa natin sa loob ng mall? Patrick, utang na labas, bumalik ka sa bahay niyo at balikan ang utak mo. Naiwan mo ata eh."
Sabi ni Ella with matching irap pa kay Patrick.
Tumawa ang barkada. Pero syempre hindi papatalo 'to si Patrick.
Ano nga uli ang role niya sa kwento?
Right. Kontrabida sa buhay ni Ella.
"Eh kung dukutin ko kaya yang mata mo diyan? Please lang Ella, di bagay sa'yo magtaray mukha kang ewan."
"Oh guys, tama na yang bangayan. Baka mamaya magkainlaban na kayo diyan eh." Pang-aasar ni Tikoy sa dalawa.
"Kadiri lang.", sabay nilang sabi, dahilan para tumawa uli ang buong barkada. Parang sila lang kasi ata ang hindi nakakapansin na bagay na bagay talaga silang dalawa, tingnan mo pa lang sa malayo. Kahit nagbabangayan o nagbubugbugan na yang dalawa, andyan pa rin yung chemistry.
"Pero, yung sinabi ni Patrick kanina.. gala uli tayo, sa ibang place naman. Ano pa ba di natin napupuntahan? May ilang araw pang natitira sa bakasyon oh."
Sabi ni Winston habang nakahawak pa rin ang kanyang kamay sa kamay ng girlfriend, si Britney. Sa isang kamay naman, kumakain siya ng ice cream.
"Eh saan kaya? Lahat na ata napuntahan natin." Sabi ni Ella.
"Andami mong tanong. Try mo sa Mars?" Iritang sabi ni Patrick.
"Ge, ikaw mauna ha?"
Nagsamaan nalang silang dalawa ng tingin.
BINABASA MO ANG
U.B.E.
Fiksi PenggemarSama-samang haharapin ng barkada ang mga problema. Pagkakaibigan, love at growing up. Equals? UBE. Ang Ultimate Barkada Experience!