Chapter 32~Gomowo. ^__^

884 13 1
                                    

Late update, I know. OTL

I was supposed to update nung weekend but wala ang wattpad. System error. Bumalik ang wattpad kahapon ng gabi, pero loaded ako ng schoolwork.

So please bear with me. Babawi talaga ako sa inyo.

Sa mga nagbabasa po, kung ayaw niyo po magvote at di niyo magustuhan, libre lang po magviolent reaction. May comment box po tayo. ^__^V

_________________________________________________________________________

Third Person's POV

Nagkwentuhan sila Patrick at Mishea habang nasa clinic. Nasagot naman lahat ng mga katanungang bumabagabag sa isipan ni Patrick.

Napilit na din finally ni Mishea ang parents niya na ilipat uli siya sa school na pinag-aaralan nila dati ni Patrick. The reason why kung bakit lumipat ng school si Mishea noon at nawalan sila ng contact sa isa't-isa..

Flashback, Mishea's POV

"Pero mommy..! Ayoko lumipat ng ibang school!"

"NO! Lilipat ka ng school because I said so. Look at you! Your clothes! Jusko naman, Mishea Nicole Santos. Don't tell me gagaya ka ng tuluyan sa ate mo?"

Naiiyak na ako. HINDI. Hindi ito maaari.

Paano si Patrick? Kami lang ang laging nagdadamayan. Paano na kami ng bestfriend ko? To think na kailangan niya pang idamay si Ate Anne dito! My mom could be so shallow sometimes!

"Mommy! No! How many times do I have to tell you, wag mo ako itutulad kay Ate Anne! And besides, bakit po ba galit na galit ka sa kanya? Namimiss ko na si ate, mommy. And now pati bestfriend ko ilalayo mo sa akin?"

"THAT GUY AGAIN! Siya ang may kasalanan nito Mishea! Ililipat kita ng school, sa ayaw o sa gusto mo. This is for your own good, anak."

Bakit kailangan maging harsh ng sobra si mommy? T__T

Tuluyan ng nagbagsakan ang mga luha sa mata ko. Naghahalo-halo ang emotions ko. Naaalala ko na naman si Ate Anne.. miss na miss ko na siya. Siya ang tanging bestfriend ko. Pero simula nang palayasin siya ni mommy, I was all alone.

All thanks to Patrick kasi dumating siya at naging magkaibigan kami. Tapos pati ngayon siya naman ang ilalayo ni mommy sa akin?

Hindi ito maaari. HINDI. HINDI PWEDE.

"NO, MISHEA ANNE! You're going to follow me no matter what- because I said so!"

Kumalabog ng malakas ng isara ni mommy ang pintuan sa kwarto ko. Ang kwarto ko na dati kong shineshare with Ate Anne. Wala pa ding nagbago, hindi ko inayos ang kwarto namin.

Simula nang palayasin siya ni mommy, mag-isa nalang ako. May isang bagay na naiwan si ate sa bahay, ang gitara niya.

Pinagmasdan ko ang gitara niya. It hasn't been moved. It was on the same spot nung umalis si Ate Anne sa bahay. Kinuha ko ito at pinaglaruan ang mga strings.

Pinag-aralan kong maggitara nang maggitara noong mga panahong nag-iisa lang ako. Naging libangan ko na ang pagtugtog ng gitara. Kung tutuusin nga, gitara nalang ang naging kadamay ko noon.

At hayun nga, dumating si Patrick at pinasaya niya ako.

Hindi ako natakot na ipakita kung sino talaga ako.

Tapos ngayon ilalayo din siya sa akin ni mommy.

Ang pinakamasakit sa lahat, wala akong nagawa para pigilan si mommy.

End of flashback

Niyakap ng mahigpit ni Patrick si Mishea matapos nito magkwento.

Yun lang ang naisip niyang magagawa niya para sa bestfriend niya.

U.B.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon