Michelle's POV
"Class, ipapaalala ko lang sa inyo ang pairwork project niyo. Magpeperform na kayo next week. At kung kayo ang the best performance, kayo ang pipiliin kong ipagperform sa gymnasium. And, additional grades shall be added."
Oh. Yung project pa pala. Tiningnan ko yung katabi ko. Nakatingin na pala sa akin.
Bigla naman siyang umiwas ng tingin.
Eeeh?
"Nikko?" Tawag ko sa kanya.
"Mich?"
Sabi niya ng hindi man lang tumitingin. Weird. .___.
"Yung project? Di pa natin yun nasisimulan."
Tumingin na din siya sa akin.
"Oo nga. Gusto mo simulan na natin mamaya?"
Yan din dapat sasabihin ko kaso naunahan niya na ako.
"Sige. Dismissal? Free ako."
"Okay."
Ngumiti siya sa akin. Nginitian ko din siya.
Ang gaan talaga ng loob ko sa kanya, hindi ko alam kung bakit eh. Saka masaya siyang kausap at kasama. Feeling ko antagal tagal na naming magkakilala, kahit na ngayon palang kami nagkakausap.
Classmate ko yan last year kaso never kaming nagkausap. Ewan, sa tingin ko kasi parang napakasaya niyang tao, tapos super friendly pa. Lagi pa siyang may mga kasama. Specifically siguro yung iba niyang friends na madalas kong makita na kasama niya, barkada niya siguro.
Kaya hindi ko din siya malapitan masyado, kasi baka mamisunderstood ako kung gusto ko lang eh maging friends kami.
Nakita kong nakatingin sa amin si Sir Manny.
Oops. Nahuli ata akong nagde-daydream habang nagsasalita siya.
V(^___^)
Sir Manny's POV
Habang dini-discuss ko ang tungkol sa project ng mga estudyante, nakita ko sila Tikoy at Michelle, nag-uusap.
Ewan ko, pero parang biglang nagflashback ang lahat ng mga highschool at college memories ko nang makita ko silang dalawa.
Parang ganyan na ganyan lang din kami ni Rian noon..
Ang bilis talaga ng panahon.
Minsan may mga bagay nga naman sa buhay na gusto nating balikan, o kaya naman baguhin natin kung anumang pagkakamali ang nagawa natin noon... pero syempre, ganun talaga.
Ang buhay usad lang ng usad... kumbaga kapag may nagawa ka na, wala nang balikan.
Napangiti tuloy ako bigla.
"Tikoy?"
Napatayo siya bigla.
"Yes sir?"
"Paano mo masasabing inlove ang isang tao?"
Michelle's POV
"Paano mo masasabing inlove ang isang tao?"
Tinanong ni Sir Manny si Nikko.
"Ah, sir...
Magaan ang loob mo sa kanya..
Feeling mo may connection kayong dalawa..
Gusto mong palagi mo siyang kasama..
at...
hindi yun magbabago. Ganun ang pagmamahal, sir."
Nagpalakpakan ang lahat.
"Tikoy, you may sit down now."
Hmmm. May pinaghuhugutan siguro 'to si Nikko? Hahaha. Ang lalim ng sagot niya eh. Though tamang-tama lahat ng mga sinabi niya.
"Michelle?"
Ngayon ako naman ang napatayo bigla.
"Yes, sir?"
"Na-inlove ka na ba?"
Ano naman kayang connection nun sa project namin? Bakit naman ganyan mga tanong ni Sir Manny. -______-
Napalunok ako.
Hindi ko alam biglang lumabas sa bibig ko...
"Ah.. yes, sir."
Naghiyawan ang lahat.
Ba't ba naman kasi biglang lumabas yun sa bibig ko. Aish. Nakakahiya. =_____=
"Michelle, you may sit down. So, class. Based on their answers.. diyan kayo makakakuha ng inspiration kung anong song ang pipiliin niyo..."
Hindi na ako nakakinig kay Sir, kasi..
andami-daming nasa isip ko.
Kung bakit naman kasi andaming alam ng adviser namin eh, yun pa ang tinanong.
Tapos nadulas pa ako ng sagot.
Lamunin na sana ako ng upuan ko sa sobrang kahihiyan ko. T^T
_________________________________________________________________________
Super short update, I know. T^T
I'm planning na gumawa ng one-shot tungkol sa past ni Michelle. :3
Matapos ko lang 'tong UBE asahan niyo na marami akong gagawing one-shots ng mga supporting characters dito. XDD
Salamat sa patuloy na pakiki-UBE. :))
![](https://img.wattpad.com/cover/820912-288-k496697.jpg)
BINABASA MO ANG
U.B.E.
FanfictionSama-samang haharapin ng barkada ang mga problema. Pagkakaibigan, love at growing up. Equals? UBE. Ang Ultimate Barkada Experience!