Tammy's POV
Si Stephen ang nanalo.
Oo. Inaamin ko. May pake ako kasi dahil nga sa ginagawa niya sa akin. Tingnan mo, naglalaro lang siya dun as if wala ako dito. I mean.. lahat nung players pati si coach tumitingin sa bleachers eh. Tapos si Stephen hindi. Ang sama, di ba? Pinaninindigan niya ang hindi pagpansin o pagtingin sa akin.
Hindi ko na hinihiling na maging tulad kami ng dati. Ang gusto ko lang, tigilan niya na yung pagkaimmature niya. What's wrong with looking at me? Mamamatay ba siya kung titingnan niya ako? Hindi naman ah.
Ang nakakainis lang.. he's acting like parang nananadya pa talaga.
Wala naman akong ginawang masama sa kanya ah. Sa totoo nga lang, siya pa nga yung may atraso sa akin. Let's say na, oo na. Sila na nga ni Lana. Pero bakit hindi niya ako tratuhin bilang normal na tao, normal na kaklase na kinakausap o tinitingnan kahit papaano.
Yun yung nakakaasar dun eh.
Kung ikaw yung nasa lagay ko, di ba ganun din mararamdaman mo?
"Bes, lalabas muna ako. Hanapin mo nalang ako sa rooftop just in case matapos yung game at wala pa ako sa gym, ha? Sana maintindihan mo."
I tried my best to smile, pero alam ko kay Ella na naiintindihan niya yung nararamdaman ko.
"Bes, sure ka ba? Samahan na kita, gusto mo?"
Kita ko ang pagaalala sa mga mata ng bestfriend ko.
"Wag na, manood ka nalang ng laban. Kailangan ko lang talaga mapag-isa."
Sa totoo nga lang, kailangan ko ng makakasama eh. Pero ayoko naman na pati si Ella madamay eh. Alam kong gusto niyang manood ng laban.
Pero gusto ko muna "huminga" ngayon.
Nakakaasar lang kasi kapag nanood lang ako ng laban eh.
Ella's POV
"Bes, lalabas muna ako. Hanapin mo nalang ako sa rooftop just in case matapos yung game at wala pa ako sa gym, ha? Sana maintindihan mo."
Nararamdaman ko yung nararamdaman ni Tammy. Sa mga panahong ganito, kailangan niya ngmakakausap. Kailangan niya ng karamay.
"Bes, sure ka ba? Samahan na kita, gusto mo?"
Sabi ko sa kanya.
"Wag na, manood ka nalang ng laban. Kailangan ko lang talaga mapag-isa."
Haaaayy, bes.
Kung pwede lang ako nalang nasa kalagayan mo. Nahihirapan akong makita kang ganyan eh. :(
Narinig ko na ang pito.
Sabay naman nun ang marahang pagsara ng pintuan sa gym.
Stephen's POV
Nagulat ako nang malaman kong si Patrick pala ang team captain.
Pero wala nang panahon para mag-isip kung bakit niya sa akin hindi sinabi agad na captain pala siya. Pumito na ang coach. Start na ng game.
Jump ball.
Nakafocus ako sa game.
Pero nakita ko na may lumabas ng gym. Narinig ko ang marahang pagsara ng pinto. Si Tammy ang lumabas.
Nawala ako sa focus. Nakuha ni Patrick ang bola.
Winston's POV
Grabe. Nakakapagod yung laban.
BINABASA MO ANG
U.B.E.
ФанфикSama-samang haharapin ng barkada ang mga problema. Pagkakaibigan, love at growing up. Equals? UBE. Ang Ultimate Barkada Experience!