Stephen's POV
Never pa akong sumasali sa kahit anong sports varsity sa buong buhay ko.
Pero..
Wala namang mangyayaring masama kung magta-try, di ba?
Kaya nga 'try-outs' eh.
Inabot ako ng traffic papuntang school. Late na kung late. Mangyari na kung anong mangyari. Pagkababa na pagkababa ko sa jeep, humarurot ako ng takbo papuntang school gymnasium. Lord, pleaseee. Sana hindi pa masyadong late. Sana pwede pa.
Takbo..
Takbo..
*BOOG!
"Uy!"
"Aray!"
Sa lahat ba naman ng oras at panahon..
Bakit ngayon pa?
Bakit ngayon pa na may makakabanggaan ako?
Sa sobrang pagmamadali ko nabangga ko ang isang lalaki, na, tumatakbo din. Sasali din ata sa try outs? Nakabihis din siya eh.
Winston's POV
Ang aga-aga bumungad agad sa akin yung text ni Patrick.
From: Patrick
Winston.. Ngayon na yung try-outs. Pleeaaaseee sumama ka. PLEASE PLEASE PLEASE LAANG PAR. Kahit ngayon lang pagbigyan mo na ako. 12PM ang try outs, sana makasama ka.
Eh kaso wala eh. Wala akong load. -__-
Saka di pa ako nakapagpapaalam.
Kaya naman dali-dali kong binulabog ang parents ko at nagmakaawa.
"Please, ma. Payagan niyo na po ako. I kept up with my studies naman po last year eh. Promise ko po di ko po pababayaan academics ko." Pagmamakaawa ko.
"Oo nga naman, hon. Have some faith on our son naman. I know he's learned his lesson already."
Oo nga, mama tama si papaaa! Payagan niyo na ko pleees. \(*-*)/
Naaalala ko tuloy bigla yung mga pangyayari nung first year ako.
Sumali ako sa basketball varsity try outs at syempre, natanggap ako. Kasabay naman nun ang pagbuo ng barkada namin. At the same time, naging kami ni Britney.
Kasabay din nun ang paglagapak ng grades ko. -___-
Nagalit nun sila mama at papa. Hindi nila expected yun. Kasi ako, matataas ang grades ko kahit papaano. Minsan nagkakaroon pa nga ng honor.
Nagrebelde ako nun. Naghahalo-halo yung stress sa utak ko. Yung palaging paga-away namin ni Britney.. mga away ng barkada.. nagkawatak-watak kami nun. Kung ano man ang pinag-awayan namin ayoko nang mag-flashback.
Kaya bumaba ng bumaba ang grades ko. Tapos nagalit pa sakin parents ko. Kaya nawala din focus ko sa basketball. Madalas akong wala sa practice kasi pinigilan ako ni mama na pumunta na. Pinilit niya akong magquit na. Muntikan na akong makick-out sa varsity.
Kaya naman nagrebelde ako sa parents ko basta matapos ang year na hindi ako nakick out sa basketball varsity.
Akala ko magiging worst year ko ang first year high school.
Nagbago ang lahat bago matapos ang school year.
Bumawi ako sa last term ng school year, at muling tumaas ang grades ko. Nagkabati-bati na kaming lahat, at ang school pa namin ang nanalo sa basketball championship. :))))
BINABASA MO ANG
U.B.E.
Fiksi PenggemarSama-samang haharapin ng barkada ang mga problema. Pagkakaibigan, love at growing up. Equals? UBE. Ang Ultimate Barkada Experience!