Chapter 13

14 1 0
                                    

Bianca.

Pinipilit ko wag gumawa nang kahit na anong eskandalo dahil na din sa katayuan ko ngayon. Wala padin itong pinagbago at mukhang hanggang ngayon ay maluho padin ito.

"Balita ko artista kana, baka gusto mo mamigay diyan ...alam mo na" malamang mas makapal pa sa lapad yung mukha niya pagdating sa pera. Tinalikuran ko siya at naglakad na palayo.

"Bastos talaga ugali mo ano? Kaya kayo iniwan nang ama mo eh" hindi ko na napigilan ako sarili ko at hinarap ko siya.

"Nananahimik na ang nanay ko at pati na rin ako, kaya pwede ba manahimik ka nalang din naagaw mo na yung gusto mo kaya sana matuto kana makuntento"

"You're still my daughter at all, kaya sana matuto kadin tumulong sa magulang mo" magulang? Nung panahon na kailangan na kailangan namin si papa noon siya yung nakikinabang sa lahat nang sinasahod nito. Nakakabili siya nang mamahaling gamit samantalang kami ni Jasmin noon tinatahi nalang namin yung bag sa tuwing nabubutas o may nasisira. At ngayon gusto niya tulungan ko siya?

"Unang una sa lahat hindi kita magulang, pangalawa hindi ako magbibigay lalo na sa kabit ng papa ko" deretsang sagot ko kinakalma ko lang ang sarili ko tanging pag kuyom lang ng kamao ang tanging nagagawa ko.

Nakakaloka gusto ko siya kalbuhin sa totoo lang.

Bumalik na'ko sa condo at hindi ko inaasahan na susundan ako nang babae na 'yon pero this time kasama na niya ang tatay ko.

"ANONG SINASABI NI GLEN NA SINAMPAL MO SIYA HA?!" Tinulak niya ako dahilan na mapapasok ako sa condo ko.

Sinampal???

Nakakaloka ni hindi ko nga pinadapo yung kamay ko sakan'ya kasi baka marumihan.

Ay bet na linyahan. Napanood ko lang kay Sunshine Dizon sa interview niya.

*slap*

Laking gulat ko na dumapo ang malapad na palad ni tatay sa pisngi ko. Samantalang yung babaeng 'yon panay ang halungkat sa mga gamit ko.

"UMALIS NA KAYO DITO! ANO BANG GUSTO NIYO?!"

"Tingnan mo kung paano niya pinalaki ang anak mo Arthur! Manang mana sa nanay niya" ibinulsa ng babaeng 'yon ang iilan sa mga alahas na ibinigay sa'kin ni nanay. Ayon yung regalo niya sa'kin nung birthday ko.

"Ibalik mo 'yan bruha ka!" Hinatak ko ang kwintas na 'yon dahilan na masira ito at nagkalat ang mga beads sa sahig.

"WALANG HIYA KA!" hindi ko nagawang pumalag dahil nanghihina na ako malakas na suntok ang inabot ko kay tatay. "Bakit hindi mo nalang ibigay ang gusto ni Vanessa?! Magulang mo padin siya!" Hinatak niya ang buhok ko.

"Bakit nung kailangan ka ba namin nandoon ka ba? Nandoon ka ba nung halos maging dalawa na katawan ni mama kakatrabaho?! Samantalang ikaw nagpapakasarap at pinili mo 'yang pokpok na yan sa'min?!"

"Sumasagot ka pa ha!" Malakas na sampal ang inabot ko dito at maging ang babae nakitadyak pa sa tiyan ko.

"WHAT THE F*CK?!" Sigaw ni Chad. Sumulpot din si Sebastian na gulat na gulat sa nakikita niya ngayon hindi ko na napigilan ang luha ko.

"Sino naman kayo ha?! Wag kayo makisali dito!" Hinatak ni tatay ang buhok ko. "IBIGAY MO NA YUNG PERA!"

"Enough!" Hinatak ako ni Sebastian. "Wala siyang ibibigay sainyo"

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon