Chapter 30

25 1 0
                                    

Chad's POV

"Nakausap mo na si Bianca?" tumango lang ito.

"Wala na siya sa Manila, umalis na siya" posible kaya may kinalaman din 'yon sa nangyari kay Sebastian kahapon? Puno nang sugat ang katawan nito. At hindi ako magkakamali na galing 'yon sa daddy niya. "Lumayo na siya para kay Sebastian, pero kung ayon ang desisyon niya hindi na natin siya mapipigilan, masyado na siya nasaktan" aniya at inayos ang bag na nasa sofa. "Ang sabi niya isinugod sa hospital ang daddy ni Sebastian, at malamang ang sisi kay Bianca lahat, kaya alam mo naman na kahit loka loka 'yon malambot ang puso nang babaitang 'yon" lumabas na kaming dalawa sa condo ko.

Hindi ko nadin nagawang lapitan si Sebastian dahil maski ako pinagbawalan na lapitan siya nang guards. Hindi ko alam kung bakit maski ako ay pinagbawalan na makita siya.

"Chad"

Anong ginagawa ni Sean dito? Hindi ba dapat abala ito dahil isa siya sa mga nanominate sa project na 'yon?

"Bakit? Hindi ba dapat busy ka? Baka malate ka sa meeting niyo" hindi ito umimik.

"Si Sebastian ang nakakuha nang contract" sambit niya. "Hindi ko na din tinanggap ang kontrata" dagdag pa nito.

"Pero bakit? Alam kong parehas niyong pangar-" hindi na niya ako pinatapos.

"Sa tingin mo magagawa ko tanggapin 'yon? Mas deserve ni Sebastian ang opportunity na 'yon at hindi ako papayag na ibibigay sa'kin dahil tinanggihan niya"

"May magagawa ba tayo para tulungan siya?"

"Hilingin nalang sana natin na buhay pa ang mommy niya" malamig na tono nitong sabi. "Tinatago nila si Sabrina at siya nalang ang tanging pag asa para makapag bigay nang sagot sa laha—"

"Sabrina.." napalingon kami kay Alyana na bigla nalang nagsalita. "Sabrina Adle?" Tumango si Sean na lalo ikinangatog nang binti nito.

"Babe? Ano nangyayari sa'yo?"

"Nakita ko siya" nanlaki ang mata ni Sean sa sinabi nito. "Nasa hospital siya kung nasaan na confine si lolo" Napatakbo kami pasakay sa kotse. "Sa St.XXX Hospital!"

"Kailan mo pa siya nakita?" Sambit ni Sean. Nananatili itong kalmado pero napansin ko sa mga kamay niya ang panginginig. Kahit na malaki ang away nila Sebastian nila noon dahil lang sa pakikipag kumpitensya sa showbiz nuon pero makikita mo padin na nag aalala padin siya.

"Nung nakaraang linggo pa, sabi ko na nga ba parang pamilyar yung pangalan niya.. malala na ang kundisyon niya" nanginginig niyang sambit niyakap ko ito dahil takot na takot na siya. "Paano babe kung—" hindi ko na siya pinatapos.

"Shhhh..calm down" hinagod ko ang likod nito.

Hindi na kami nag aksaya pa nang oras at hinanap namin siya sa loob nang hospital.

"Sabrina Adle, sir?" Binalik niya ang tingin nito sa monitor. "Sir nakalipat na po siya nang hospital, may nagsundo po sakanya dito last week" aniya.

"Saan po siya inilipat?"

"Pasensya na sir hindi po nam-"

"Are you serious? Hinahayaan niyo na kunin ang pasyente na hindi niyo alam kung sino ang kumuha?" Napaatras ang babae sa seryosong tono ni Sean. "Nevermind, mag aaksaya lang kami nang oras dito" tinalikuran na namin ang babae.

"Sorry" nakayukong sambit ni Alyana. "Kung maaga ko pa sana sinabi sa inyo"

"Iniiwas nila si Sabrina" sabi ni Sean at abala sa pag dial nang phone. "Ako na bahala dito, you may go now. Bigyan niyo nalang ako nang update" dagdag niya pa.

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon