Chapter 16

20 1 0
                                    

Bianca.

"Kitang kita na naman na mahal na mahal parin siya ni Sebastian"

"Bakit wala diyan si Bianca sa picture?"

"MAGHIWALAY NA KAYO GIRL!"

Nilapag ko nalang yung cellphone ko sa lamesa. Ano ba gustong palabasin ni Chloe? Pinost lang naman niya yung picture kasama ang production team pati si Sebastian. Nang aasar ba talaga siya sa'kin?

Nananahimik ako e. (~_~)

Namilog ang mata ko sa sunod na pahina ng script nakakaloka bed scene na pala ito. Dumagdag pa 'to sa isipin ko ngayon. "Puro naman chukchakan ang gumawa nang movie na 'to kulang ba siya sa aruga?" Walang ganang sambit ko at hinilot ang aking sentido sobrang naiistress na'ko dahil sa nangyari kahapon.

Saktong alas syete nang umaga dumating na kaagad si Manong, pagkasakay ko nang kotse may mga pagkain sa loob na ikinataka ko. "Nag grocery pala kayo,Manong" tumingin ako sa rear mirror at nakita ko na umiling ito.

"Para po 'yan sa'yo ma'am, palagi ko po kasi nababasa yung mga sinasabi sa'yo ng mga tao kaya kahit papaano mapagaan ko loob n'yo" hindi ko alam kung iiyak ba ako o ngingiti. Kinuha ko ang isa sa mga tsokolate na nasa plastic na pinamili niya.

"Salamat ah nakakaloka nabawasan ko pa yung sahod mo" natawa naman ito sa sinabi ko.

"Fan ka nang panganay ko kaya siya din ang nag udyok sa'kin na magbigay nang kahit konting tulong, may papel diyan isinulat niya 'yan para sayo" kaagad ko napansin ang pink na nakatuping papel at binuksan ko 'yon.

"I know this won't be easy, but I also know you've got what it takes to get through it."

Hindi ko naiwasang mapangiti sa mensahe na 'yon. Kahit papano ay may nagtitiwala padin sa'kin. Nakarating na kami sa mismong venue nang shooting at sa isang resort ulit kami napadpad. Agad naman ako inasikaso nang mga make up artist ko pati na ang ibang staff. Hindi naman ganito ang staff sa'kin dati kaya nakakapanibago.

Hindi na maalis yung ngiti ko ngayon dahil sa mensahe na ibinigay nang anak sa'kin ni Manong, kahit simple pang yung ibinigay niya napakalaki nang naitulong non sa'kin.

"Mukhang good mood ka ngayon, Ms.Aragon" sabi nung isa sa mga make up artist ko. "Dahil ba 'yan sa next scene?" Muntik ko pa maibuga yung iniinom kong tubig.

"No! May nagbigay lang kasi sa'kin nang gift" nakangiti kong sabi. "It's just a simple gift" sambit ko at sinulyapan ang papel na 'yon na kasalukuyang hawak hawak ko parin.

"We're still waiting for Sebastian, do you know what's the reason why is he late?" Tanong ni Direk sa'kin nakataas ang kilay nito.

"Ms.Aragon?"

"I'II call him, direk baka natraffic lang po siguro" kinuha ko yung phone ko at tinawagan siya mabilis naman niya itong sinagot.

"What?"

"Ikaw nalang ang inaantay sa set, nasaan ka na ba?" Kaswal na sabi ko. Ilang sandali pa hindi na ito sumagot. "Seba—"

"I'm here" ibinaba na niya ang phone, hinanap ito nang mga mata ko ,kararating niya lang. Pagkalabas niya nang kotse kasabay niyang hinubad ang coat nito at halos hindi ko napigilang mapatitig sakanya. Nakakaramdam ako nang konting kirot sa puso ko.

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon