Chad's POV
Ito na yung huling hospital pero wala kaming nahanap na Sabrina, habang tumatagal nawawalan kami nang pag asa na mahanap pa namin siya.
Paano kung matagal na siyang pumanaw?
"Sorry" sambit ni Alyana sa tabi ko. Marahan kong pinisil ang braso niya. Hanggang ngayon'y sinisisi niya ang sarili niya dahil hindi niya kaagad ito nasabi sa'min.
"Wag mo sisihin ang sarili mo babe, hindi mo rin naman alam" ilang beses ko na 'yon inulit sakanya pero ganyan padin siya.
"Yo!"
"Dave?!"
"Shhhh! Baka may makarinig, ano balita?" pinapasok ko na muna siya sa kotse.
"Kagaya padin nang dati, wala"
"Dang, paano nalang kung wala dito sa manila yung nanay ni Sebastian" ayon na din ang iniisip ko at alam namin na hindi na rin siya magtatagal dahil sa sinabi ni Alyana na malala na ang kundisyon niya.
"Ayon nalang talaga ang pag asa natin" sabi ko.
"Nagkagulo na ang lahat sa Agency" panimula pa niya. "Habang tumatagal bumabagsak na si Sebastian" hindi na din kasi ito tumanggap nang project at maging ang mga endorsement niya wala na dahil parang pinabayaan na ito.
"Pero nung mga nakaraang araw ayos naman hindi ba?"
"Yeah, pero nung araw na naibalita na umalis na si Bianca sa showbiz, nabenta yung condo at hindi na din siya mahagilap kung saan,sumunod na araw doon na din nagsimula si Sebastian" aniya. "Pakiramdam ko dahil 'yon don" hindi na ako nakaimik. Malamang si Bianca hindi na rin niya kinausap si Sebastian.
"Ginawa 'yon ni Bianca para sakanilang parehas dahil sa tingin niya ayon ang makakabu--" hindi na niya pinatapos pagsalitain si Alyana.
"Pero paano kung hindi?" ani ni Dave. Binuksan na din niya kaagad ang pinto nang kotse. "Kailangan ko na din umalis, marami pa'kong nakatambak na sched, tawagan niyo nalang ako kapag kailangan niyo nang tulong"
"Sige tol,salamat"
Pagkabalik namin sa condo nagulat pa kami nang makita namin si Chloe at aambahan niya sana nang sampal si Alyana. Agad ko naman itong sinalag at sa mukha niya nanggagalaiti ito sa galit.
"Nasaan ang pesteng kaibigan mo? Saan niya dinala si Sebastian?!" nagtaka kami parehas. "Wag kayong mag maang maangan!"
"Ano ba pinagsasabi mo? Matagal nang wala si Bianca sa manila" hindi na napigilan ni Alyana magsalita. "Sinaktan mo na nang maraming beses yung tao, pinaubaya na niya lahat, siya parin ba ang sisisihin mo?"hinawakan ko siya sa braso dahil unti unti na itong lumapit kay Chloe.
"Oh come on, hindi bagay sa'yo umarte. Alam kong tinatago niyo siya sa'kin"
"She's telling the truth, we don't even know where she is" sabat ko.
"Siguraduhin niyo lang dahil idadamay ko kayo parehas kapag nalaman ko na may kinalaman kayo sa pagkawala niya" iniwan niya na kami doon.
"Dapat hindi mo na'ko pinigilan sasabunutan ko lang naman" ginulo ko ang buhok niya.
~•~
Third Person's POV
Sinubukan tawagan ni Sean ang phone ni Sebastian, hindi ito sumasagot.
BINABASA MO ANG
Binibining Hindi Pinili (Completed)
RomanceTila isang napadaang bagyo lang ang naganap sakanilang dalawa ni Caleb. Ang lalaking buong akala niya na ito na ang bubuo sa natitirang kulang sa kanyang mundo. Paano ba niya panghahawakan ang nararamdaman niyang pagmamahal kung sa una palang ay wal...