Bianca.
Napabalikwas ako nang bangon nang makaramdam ako nang pananakit ng katawan. Nag loading pa yung utak ko nang makita ko na wala akong pang itaas.
OH MY GOSH!
"Magtakip ka, Manang" pakiramdam ko umakyat lahat nang dugo ko sa ulo ko dahil sa sobrang hiya. "Kakatapos lang natin kagabi e" inaantok niya sabi.
"Paano kung mabunt—" hindi niya ako pinatapos.
"Edi masaya"
Tumayo ako papuntang banyo isa isa ko pa pinulot ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. Sobrang sa'kit nang bawat katawan ko at lalo na sa parteng ibaba.
Pero sinabi niya kagabi na mahal niya ako, hindi naman siya lasing nung mga oras na 'yon. Dapat ko ba itanong ulit 'yon sakanya?
Nakakaloka Bianca, nagmagic na nga kayong dalawa kagabi mahihiya ka pa magtanong? Pagkalabas ko nang banyo nakabihis na din ito at abala sa pagluluto nang agahan.
"You good?" Tumango ako. "Ihahatid na kita pauwi sa condo mo"
"Ikaw na din nagsabi sa'kin na pwede ka makulong dahil kontrolado na nila ang agency mo, paano kung may makaalam na magkasama tayo?"
"Hindi ko pinaalam na may condo ako dito, pagmamay ari ito nang parents ni Sean, kaya walang makakaalam na nandito tayo" walang imposible sa media dahil alam ko na may makakaalam dito. "Kung iniisip mo yung media kailangan lang natin maging maingat, dahil alam kong binabatanyan niya tayo"
"Pinapahamak mo lang sarili mo"
"Mabuti pa nga na makulong ako e"
"Hoy!"
"Kung hindi rin naman ako malaya sa gagawin ko mas mabuti na doon nalang ako sa loob nang bilibid, mas malaya pa ako kumpara dito" hindi ko maiwasang makaramdam nang lungkot. "Bianca" hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Magtiwala ka lang sa'kin" hinagod niya ang likod ko.
"Totoo ba lahat nang sinabi mo kagabi?" paranoid lang siguro talaga ako. Anong relasyon meron kami?
"Yeah." pinagsandok na niya ako nang kanin. "Pero hindi ko na 'yon uulitin" nakangisi niyang sabi. "Say please Master Seb"
"Wag nalang" mahina itong natawa.
"Kasama ko padin si Chloe sa project, hanggat maaari hindi niya dapat malaman sa kung anong meron tayo ngayon"
"Ano bang meron sa'tin?"
"Manang nasa tamang pag iisip ka ba?" tinaasan niya ako nang kilay. Eh hindi ko naman talaga alam kung ano na kami ngayon. Baka mamaya Friends with benefits lang 'to. -_-||
"Hindi ko naman kasi talaga alam"
"Tss. Tanda tanda mo na e" hinampas ko ang kamay nito. "Ouch! Fine! Manliligaw mo'ko okay?"
"Ano 'yon manliligaw pero naka segway na" iritang sabi ko habang ngumunguya.
"Edi gawin mo din sa'kin para patas" kita mo na kamanyakan nang isang 'to. Pero hindi ko alam na may ganitong side siya hindi yung kabastuhan ha nakikita ko kasi na palangiti pala ito.
"Kumain nalang tayo" utos ko kaya natahimik na din. Inantay ko muna siya matapos mag asikaso dahil dinaig niya pa ang mga babae sa sobrang bagal niya kumilos.
"Wear this" kailan pa siya nakabili nang bracelet? Samantalang gabi kami nagkaayos. "Mahalaga 'yan sa'kin kaya ingatan mo"
"Aba binigyan mo pa ako nang responsibilidad?" tarantadong 'to baka mamaya ginto yung halaga nang bracelete burara pa naman ako.

BINABASA MO ANG
Binibining Hindi Pinili (Completed)
RomanceTila isang napadaang bagyo lang ang naganap sakanilang dalawa ni Caleb. Ang lalaking buong akala niya na ito na ang bubuo sa natitirang kulang sa kanyang mundo. Paano ba niya panghahawakan ang nararamdaman niyang pagmamahal kung sa una palang ay wal...