Bianca's POV
"Ano nangyari sa mukha mo bhie? Para kang hindi nakatulog ng isang taon?" Tinatanong pa ba yan? Halos buong araw ko kinabisa yung script dahil mukhang badtrip sakin yung direktor hindi lang makapagsalita ng diretso sakin.
"Hindi pala ganon kadali umarte.." sambit ko habang hawak hawak padin yung script. "Multiplication nga hirap nako magkabisa ito pa kayang yawang to"
"Alam mo bhie wag mo idamay yang kabobohan mo sa math sa pagbabasa ng script. Pero sabagay matanda kana din naman makakalimutin n---aray! Huhuhu"
"Salamat sa pang iinsulto ha? Nakatulong" sarkastikong sagot ko. Ibinaling ko nalang ulit ang atensyon ko sa pagbabasa ng script kaysa makinig pako sakanya.
"Bhie mabilis lang ang panahon habang nasa showbiz kapa baguhin mo na yung nakasanayan mong pananamit. Tingnan mo sarili mo ngayon para kang ermitanyo e" bago pa man ako sumagot bumungad samin si Chad na may dalang pagkain.
"Babe?" lumapit si Alyana sakanya para sa halikan sa pisngi.
HelloOoo nandito kaya ako -_-
"Nandito ka pala Bianca sakto yung dala kong pagkain" inilapag niya ang dalang mcdo sa mesa. "Saang part na kayo ng scene?"
"Scene 5"
"Babe wait lang tumatawag yung manager ko" tinanguan lang siya ni Chad bago ito umalis.
"Whoa! Para sayo pala yung phone na binili ni Sebastian kahapon" napansin niya kaagad ito ng dukutin ko ito sa bulsan ko. Naalala ko yung sinabi ni Seb. Bakit parang iba ang tingin niya sa mga babae?
"Chad pwede ba ako magtanong tungkol kay Sebastian?" parang nagulat pa ata ito sa tanong.
"Yes go ahead"
"Yung binigay niya sakin tong phone parang hindi pa siya makapaniwala na ayoko tanggapin. Iniisip niya pa na magdedemand pa ako ng mas mahal na phone, mukha ba akong golddigger? Kaloka" biglang sumeryoso ang mukha nito.
"Hindi ko sasabihin lahat ng nangyari pero may trauma na siya nagsimula yon sa mommy niya na pinerahan lang ang daddy niya sabay iniwan" natigilan ako sa sinabi ni Chad. "Malaki ang galit niya sa mommy niya at ganon din sa step mother niya na kaparehas lang din ng kanyang ina" nananatili lang akong tahimik habang nakikinig sakanya.
"Hanggang dumating sa buhay niya si Chloe he treated her like a princess, buying those expensive stuffs but they broked up because she cheated to him at kagaya lang din ng kanyang ina, pera lang din ang habol ni Chloe at para mas makilala pa siya ng ibang tao"
"Hindi ka ba natutuwa na binigyan kita ng mamahaling gamit kagaya ng ibang babae?"
Ngayon alam ko na kumbakit ganon nalang siya makapag salita sakin kahapon. Lumaki din ako na broken family dahil si tatay mas pinili niya ang kabit niya kaysa kay mama. At ang dahilan?
Mas bata ang kabit niya at samantalang si mama ay may edad na. Duon ko napagtanto na bakit sa panlabas na kaanyuan ang pinagbabasehan para piliin ka ng isang tao?
Hindi ba pwede sa magandang kalooban at may pag ibig na tapat?
"Bianca?"
"Uhh sorry may naalala lang ako. Salamat Chad"
"By the way pwede ka ba mag share tungkol sa parents mo? Nabalitaan ko kasi na ikaw lang mag isa sa manila"
"Hiwalay din ang parents ko" diretsang sagot ko. "Ang pinagkaiba lang namin ni Sebastian pinagpalit ng ama ko si mama sa mas bata. At kahit kailan hindi niya inisip ang anak niya na maiiwan"

BINABASA MO ANG
Binibining Hindi Pinili (Completed)
RomanceTila isang napadaang bagyo lang ang naganap sakanilang dalawa ni Caleb. Ang lalaking buong akala niya na ito na ang bubuo sa natitirang kulang sa kanyang mundo. Paano ba niya panghahawakan ang nararamdaman niyang pagmamahal kung sa una palang ay wal...