Chapter 2

33 2 0
                                    

Bianca's POV

"Kaloka" inabutan ako nang isang basong tubig ni Alyana. Nasa apartment niya ako ngayon halos magmamadaling araw na natapos yung concert kaya eto dito na ako dinatnan ng antok.

"Don't tell me isa yon sa mga kasamahan mo sa opisina? Ang hottie bhie!" Sinamaan ko siya ng tingin habang hinampas hampas niya ang braso ko.

Sampalin ko kaya to?

"Hindi ko siya kilala jusme" frustrated na sabi ko sino ba naman ang matutuwa na bigla kang tukain ng kung sinong lalaki? Pashnea, hindi manlang ako nakasapak para kahit papaano may ganti.

"Eh sino yon?"

"Hindi ko nga kilala" napakamot nalang ako sa batok ko pagkatapos tumungga ng isang basong tubig. Nakakastress na nga yung sinabi ni Caleb dumagdag pa siya kahit kailan wala pang nakahalik sakin. Baka mamaya adik yon tas sabog pa.

"Ang kapal din ng mukha ng Caleb na yon pumatol pa sa babaeng ganon ang pag uugali?"

"Pabayaan mo na Alyana, ang mabuti pa kausapin mo na yang kanina pa nag riring sa phone mo"

"Oh my gosh! My honey bee" pfft. Ang korni.

Sa balkonahe na muna ako nag stay dahil baka anayin pako sa lambingan nilang dalawa sa magkabilang linya. Naka loud speak pa si gaga kaya maririnig ko boses ng jowa niyang si Chad.

"Ganon pala tingin mo sakin, Pangit? Manang?" Kapag maganda ba talagang pinipili? Paano ba yon? Paano mo masasabing maganda yung isang tao? Sa pagkakaalam ko hindi pinagbabasehan ang nasa panlabas na kaanyuan.

Pero bakit ayon nagiging basehan sa panahon ngayon?

Kapag maganda ka ginagalang ka.

Kapag pangit? Nilalait ka lang.

Kapag maganda pinagtatanggol ka.

Kapag panget ka? Pagtutulungan ka pa.

Sinulat ko yon sa notes ko, word of the day kumbaga. Wala pala akong panama sa libag na kwintas ni Asha.

"Phew.." siguro itutulog ko na muna ito sa ngayon dahil mas malala na naman ang machine gun na bibig ng boss ko kapag nahuli niya ulit ako natutulog sa trabaho.

~•~

"Shuta! Pwede bang kalmahin mo ang imong patilya? Tingin mo sa'kin apat ang kamay?" Kung makautos itong secretary ni Boss na bilisan akala mo ganon lang kabilis i type pati i print ang mga pinapagawa niya. "Oh eto na" inirapan pa ako ng sekretarya ni Boss na lagpas pa ang lipstick.

"Mukhang stress kana diyan Aragon?" Sabi nang patpating assh*le sa kabilang table ko. "Do you need help?"

"No, thanks" inimuwestra ko ang kamay ko para senyasan na pabayaan niya ako. Ang weird kasi niya kapag nagtatrabaho ako titig na titig sakin hindi ko mawari kung may crush ba siya sa akin o sadyang sobrang pangit ko lang.

O di kaya nagagandahan?

Ay bet! Kabog yung joke.

Nagbabasa lang ako ng mga post sa twitter at talagang nakakatuwa lang dahil nakakacheer up lang talaga ng bongga.

"Binibini, mas maganda ka pa sa namumukadkad na bulaklak" okay medyo korni to scroll down ulit.

Hindi kasi ako maganda.

Mukha kaya akong poisonous mushroom.

"Masakit ang katotohanan ngunit mas masakit ang kasinungalingan na matagal mong pinaniwalaan"

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon