Chapter 28

14 1 0
                                    

Third Person's POV

Tahimik lang nakikinig si Bianca sa interview nang mga male actor sa isang show, mga sampung aktor ang nanominate para sa inaasam asam nang lahat nang male artist.

Hindi siya makareact nang pumulupot si Chloe sa braso ni Sebastian.

"Nakakaloka hindi ba siya nahihiya? Siya lang yung babae na nakapulupot kay Sebastian" mahinang bulong niya pero sadyang matalas ang pandinig nang kaibigan niya.

"Kalmahin mo lang patilya mo, Bhie. Alam mo naman walang pinipiling lugar ang linta"

"Ang supportive talaga nang girlfriend ni Sebastian no?"

"Bagay na bagay sila"

Nagpanting ang tenga nito sa narinig niya pero pinilit nitong kumalma alam niyang inaasar siya ng mga ito dahil malapit lang ito sakanya.

"Bibigwasan ko na ba, Bhie?"

"Alyana manahimik kana diyan"

"Let me ask you something Sebastian" ibinalik nila ang atensyon sa stage. "Minahal mo ba talaga si Bianca Aragon?"

Teka out of topic na 'yon ha? Sabi nito sakanyang isip.

Marami naman na audience na nag ulit nang tanong na tila pinipilit na pasagutin si Sebastian. Pero nananatili itong tikom ang bibig.

"Action speak louder than words" sabat ni Chloe. "Nakita niyo naman na bumalik siya sa'kin" nakangisi nitong sambit at tumingin sa'kin. "Dahil hindi siya umubra kay Sebastian, Nakikipag kita naman siya kay Sean"

Namilog ang mata nito sa sinabi niya may hawak itong remote at may mga litrato na magkasama kami ni Sean. Maging ang magkayakap kami noon sa condo ko.

"Maaawa na sana ako sakanya kaso...kagaya ka rin pala nang ibang babae, Aragon" maarteng sambit nito at tumawa. Hinatak kaagad siya ni Chad dahil nagsisimula na mag ingay ang mga tao at nakatingin ito sakanya.

"ANO BA PROBLEMA NANG PUNYETANG 'YON?! SUMOSOBRA NA EH!" hindi maiwasang magpuyos sa galit si Alyana. "Hindi na nga siya inaano siya pa nagsisimula nang gulo!"

"Calm down, hindi tayo pwede gumawa nang iskandalo dito babe" sambit ni Chad.

"Wala naman talaga sanang gulo kung hindi siya nagsimula. Nakakapunyeta talaga" nilock niya ang pinto sa room. Mabilis naman sila inaassist nang guards para masigurado na hindi sila dudumugin.

Tahimik lang si Bianca na tila hindi parin maproseso ang nangyari kanina. Mabilis naman silang umalis sa building na 'yon at dumaan na muna sa agency para masigurado na hindi ito masasaktan.

Lumapit kaagad sakanila si Frias at inabutan ito nang maiinom. "May problema ba Ms.Bianca? Bakit namumutla po kayo?" Tanong nito pero hindi siya umimik.

"Paupuin na muna natin siya, kagagawan na naman nang tarantadong ex ni Sebastian" inis na sabi ni Alyana na hanggang ngayon ay galit na galit padin.

"Bianca" hinawakan ni Chad ang kamay nito. "Si Sebastian na ang bahala doon, wag ka mag alala"

"Nahihirapan na din siya, Chad" mahinang sambit ni Bianca. "Ayoko na nang ganito, gusto ko nalang umalis dito" nanginginig ang mga kamay niya.

"Bianca..listen to me" tinitigan siya nito sa kanyang mata. "Trust him..may plano siya alam kong malalagpasan niyo din ito"

"Ganon nalang ba ang gagawin ko?magtatago sa likod niya? Nahihirapan din siya Chad, ayaw niya lang aminin dahil ayaw niyang nakikita na pinanghihinaan siya nang loob" humikbi ito. "Marami na siyang problema, dadagdag pa ba ako? Wala akong kaalam alam sa mga nangyayari sakanya"

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon