Chapter 19

13 1 0
                                    

Bianca.

"Ms.Bianca is everything okay? You look distracted" nakakaloka ansakit kaya sa mata nung camera parang isang segundo akong nilapit sa sun e.

"Yeah, pasensya na manager medyo kinakabahan" nag endorse ako ng isang bagong brand ng bag. Nakailang pose na ang bruha pero mukhang hindi pa satisfied ang photographer.

"Put some expression on it" paano ba? Duck pose? Kagat labi? Magduling dulingan? Napansin ko na nanonood lang pala sa'kin ang ibang staff na panay ang bulungan sa dulo. Halata naman ako pinagchichismisan e nakatingin sila sa'kin hindi ako tanga no.

"Perfect!" Mukhang nagulat sila sa sunod sunod na puri ng photographer. Alam ko na pinagchichikahan ng dalawang babaita. "Well done Ms.Aragon you did good!" Ngumiti ako at nagthumbs up naman ang Manager ko na abala sa pag aasikaso ng schedules ko.

"Bianca you will be signing a contract for the endorsement of Trendsetters Apparel" inabot sa'kin ng manager yung phone na kung saan nakipag usap na ito sa mismong owner. "But first we need to go back in RS Agency" tango lang ako sagot ko kaya sumunod nalang ako sakanya. Sakto pagkapasok ko sa loob nagkasalubong kami dalawa.

"Oh" hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin dahil parang bumalik ito sa dati. Nagulat na lamang ko ng tinap niya ang ulo ko. "Goodjob, Ms.Bianca" nakaramdam ako ng kirot sa puso ko ng marinig ko 'yon mula sakanya. Hindi kami ganito noon.

Namiss ko na tawagin niya akong Manang na kahit nung una'y ayoko na tinatawa niya akong ganon.

We're still in relationship hindi ko alam kung kailan siya magdedesisyon na iannounce na hiwalay na kami.

"Let's go!" napalingon ako sa pamilyar na boses. Si Chloe bago pa man sumara ang pinto pagkalabas ni Sebastian lumingon ito sa'kin. Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng titig na 'yon pero isa lang ang masasabi ko.

Masakit tingnan yung lalaking kahit kailanman hindi magiging sa'kin.

~•~

"Model ang peg, Bhie! Ganda ng mga damit sa trendsetter pati yung presyo butas ang bulsa kaloka!" maraming pinamili si Alyana na kakainin namin sa gabing ito dahil ngayon lang kami ulit nagkita. "Kamusta naman?"

"Ayos"

"Shunga wag mo'ko gawing tanga alam kong hindi ka okay" binatukan pa ako ng babaita bago bumalik sa paghihiwa ng mga rekado para sa sinigang. "So ano ang chika"

"Tama nga si Sean, babalik din siya kay Chloe" napalingon itong babaita sa'kin at napamaywang. "Alam niya yung tungkol sa'min at ngayon wala na hindi ko maintindihan nararamdaman ko ngayon" wag kang iiyak Bianca masyadong judgemental kaibigan mo.

"Gusto mo na siya no?" seryosong sambit nito. Napaiwas na lang ako ng tingin at mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin. "Well sino ba naman ang hindi? nagtukaan na kayo sa bawat scene 'di naman ibig sabihin na arte lang 'yon wala na kayong mararamdaman na weird diba" pinagsama sama na niya ang mga sangkap sa kaserola. "Pero bhie what if kung gusto--"

"Ayoko na umasa sa what if na 'yan Alyana nakikita mo naman kung ano yung katotohanan" naupo ako sa sofa at pinagmasdan nalang ang pagbuhos ng ulan. "Malayong malayo ako sa kung anong meron si Chloe, masyado akong nag assume"

"Well...kung mahal niya wag na natin ipilit ang sarili" tumabi ito sa'kin. "Hindi naman kasi 'to kagaya ng mga nababasa natin sa libro o napapanood sa pelikula"

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon