Chapter 34

27 1 0
                                    

Bianca.

Nagkakagulo ang lahat ng mga tao sa mismong interview ni Sebastian, hindi ko alam kung ano ang binabalak niya sa ngayon pero hawak hawak niya ang kamay ko.

"Sebastian, can you tell us what happen about the imprisonment of Andrea and Hendrick Maxfield?"

"My manager already explained it about the case" sagot nito.

"How about your renewa-"

"I am not going to sign in contract again" nagkaroon nang katahimikan sa sinabi niya. Kahit ako ay nagulat, pwede naman siya magtuloy sa pag aartista dahil wala nang kumokontrol sakanya? "Gusto ko na mamuhay nang naaayon sa gusto ko" dagdag niya pa.

"Are you sure about that? Malaki ang oportunidad ang--"

"But it's a great opportunity for me to end my contract and do what I've always wanted to do. Sana maintindihan niyo ako" ngumiti siya at tumingin sa'kin. "I want to start my dream with the woman I love" humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Pero hindi ba't nagkaroon kayo ni Chlo—"

"B*tch we're not dating" sabat ni Chloe na kararating lang. "Hayaan niyo sila na gawin nila ang gusto nila, dahil deserve nila" napangiti ako sa sinabi niya.

"How about you, Miss Bianca? May idadagdag po ba kayo sa statement ni Mr.Sebastian. Ayos lang ba sa'yo na huminto siya sa pag aartista?" Napalingon si Sebastian sa'kin at tumango.

"Alam ko na may mga tao na hindi sasang ayon sa desisyon niya, pero kung saan siya masaya ayon ang susuportahan ko" kinakabahan ako magsalita dahil ineexpect ko na may masasakit na salita akong matatanggap pagkatapos nito.

"Maraming taon na akong nagsilbi sainyo at para sa'kin ito na yung oras para sakanya" tiningnan niya ako sa mata. Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya. "I am planning to marry her soon" natatawa niyang sambit. Nakakaloka ngayon palang naging kami, kasal na agad ang gusto.

Pero sa kasal din naman ang punta nito diba?

"Hep! Tama na ang tanong. Kailangan na nila nang pahinga" sabi ni Hailey na nakikinig lang sa'min. "Tapos na ang serbisyo nila kaya sana hayaan natin sila sa pribado nilang pamumuhay"

"You're right" para namang nangisay si Hailey nang sumang ayon si Sean sakanya.

"Gurl wag ka magpahalata na malantutay ka" sabat ni Agatha at nakaakbay lang si Dave sakanya. "Congrats sainyo ni Sebastian" dagdag niya pa.

"Salamat" nakangiti kong sambit.

"Let's go?" hindi na ako tumanggi pa at hinila na niya ako papasok sa kotse.

~•~
One year later.

"Hello mom and dad we're here" inilapag namin ang dalang bulaklak para sakanila. Hanggang ngayon alam kong masakit padin kay Sebastian ang sinapit nang parents niya. "Kagaya nang sinabi mo noon mom, pinili ko kung ano ang makakapagpasaya sa'kin" sambit niya. Hinagod ko ang likod niya nang marinig ko ang mahinang paghikbi niya. Habang buhay na pagkakakulong ang nahatol kay Hendrick at sinigurado na maging si Andrea ay ganoon din. Alam namin na sa oras na makalaya ito ay baka maging banta ito sa'min parehas dahil maghihiganti ito. Hindi na rin ako gaano nakakatanggap ng mga masasakit na komento ng mga tao pero mayroon padin ang galit sa naging desisyon namin.

Pero para sa'min alin man ang kanilang magiging opinyon ay gagawin namin kung alin ang mas makakabuti sa'ming dalawa.

Alam na ni nanay ang tungkol dito at maging si Jasmine ay proud na proud dahil may jowa na daw ako. Akala niya kasi aamagin na ang aking perlas ng silanganan. Nakakaloka.

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon