Third Person's POV
"Yung nangyari kahapon, nagwawala ka daw ah" tinapunan niya nang tingin si Dave.Pag dating talaga sa mga kaganapan na nangyayari sakanya palaging nakakasagap agad nang balita. "Ngayon lang kita nakitang nagalit nang ganon"
"Pinaglalaruan nila si Bianca"
"Dude kailangan mo din mag ingat sa ikinikilos mo, nakikita ng mga staff pati nang direktor"
"Hindi ko naman kayang hayaan na ganon ang itrato nila kay Bianca, halos mahimatay na siya sa sobrang pagod" hindi na ito nakaimik. Tumabi nalang siya sa tabi niya. "That bastard, lalo nasasaktan si Bianca sa ginagawa niya"
"Hindi ko rin lubos maisip kumbakit bigla sila nag hiwalay, nakikita natin yung mga side ni Seb na hindi pa natin nakikita noon" hindi siya sumagot. Kung alam niya lang sana kung ano ang meron kay Bianca at Sebastian. "Sa tingin mo kaya bukod sa misunderstanding may iba pa siguro silang dahilan?"
"I don't know" bago pa madulas amg dila niya naisipan nalang na ayon nalang isagot niya. "Kung ano na yung sinabi ni Bianca sa interview at Sebastian ayon nalang ang paniwalaan mo" napansin niya ang pagbabago ni Dave ngayon. Dati rati palagi ito may gala pero ngayon palagi na sila magkasama kapag free time.
"I ask Agatha for a date" panimula ni Dave. "Sa tingin ko tama na din yung paglalaro ko sa mga babae"
"Wala ka din naman mapapala sa pananakit sakanila" sagot niya dito. "Matagal na kitang sinabihan na walang kinalaman ang mga babae sa naranasan mo kay Janessa"
"Yeah, nakasakit pa ako nang iba" may lungkot sa boses niya at napayuko. Tinapik lang ni Sean ang likod nito.
"That's fine, just don't hurt her"
"I love you Fafa Sean!"
"Damn it! Go away!"
~•~
Bianca.
Abala akong kumakain sa restaurant ako lang mag isa nasa may labas ako para hindi gaano karami ang tao na makakakita sa'kin. Sobrang busy na din ni Alyana nung mga nakaraang araw dahil nagbabalak na ito maghanap nang ibang trabaho. At gayun din ako marami na din akong schedule.
"You're Bianca Aragon, right?" Tango lang ang sagot ko. Nasa 30 years old ang tantya ko sa edad niya. Pero mukhang rich dahil sa alahas at bag niya.
"I'm Andrea Maxfield" Maxfield? Magkaparehas sila nang apilyedo ni Sebastian. "Sebastian's mother"
"Ano po kailangan niyo?" Ito ba yung step mother niya o yung biological mother niya? Ni hindi ko pa kasi nakita ang magulang niya.
"Well i want you to tell something important" inilapag niya ang kontrata sa mesa. Binasa ko ang nanduon, paaalisin ako sa Agency? "I want you to leave, ibibigay ko kung magkano ang kailangan mo, Bianca"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ayoko na makita pa namin ang pagmumukha mo dito" deretsang sambit niya. "Gusto namin makapag focus si Sebastian sa career niya"
"Naghiwalay na po kami, masaya na siya kay Chloe" sagot ko.
"Gusto ko lang namin makasigurado na hindi na magbabago ang isip niya, look i'm doing this for his future" iniisip niya ba na baka bumalik sa'kin si Sebastian? Samantalang wala namang namamagitan sa'min?

BINABASA MO ANG
Binibining Hindi Pinili (Completed)
RomanceTila isang napadaang bagyo lang ang naganap sakanilang dalawa ni Caleb. Ang lalaking buong akala niya na ito na ang bubuo sa natitirang kulang sa kanyang mundo. Paano ba niya panghahawakan ang nararamdaman niyang pagmamahal kung sa una palang ay wal...